Make It Right This Time

445 24 6
                                    

Jaki's POV

Hindi ako mapakali sa tabi ni Vice habang nanonood kami ng movie. Mayat maya eh nagaadjust ako ng upo. Kinakabahan ba ako? Hindi ko masabi.

"Jaki? Okay ka lang ba talaga? Para di ka mapakali."

Nakangiting sabi niya. Madilim pero alam kong nakangiti siya. Umiling lang ako at ngumiti din.

"Giniginaw lang ako."

Pagdadahilan ko. Tumango siya bago agad na nagtanggal ng jacket tapos pinatong yun sa magkabilang balikat ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Ang layo na talaga niya dun sa masungit at cold na Vice na nakilala namin mula nung mamatay yung asawa niya.

"Titig na titig ka jan. Baka matunaw ako."

Biro niya sabay tawa ng mahina. Naconcious naman ako bigla kaya napabaling na lang ako ng tingin sa screen. Mabuti at madilim, hindi niya makikita na namumula yung pisngi ko. Dumukot ako ng popcorn mula sa tub at sinubo yun. Nagsisimula na akong magconcentrate sa movie nung maramdaman kong may tumamang popcorn sa pisngi ko.
Napalingon ako kay Madc sa pinanggalingan nun at nakitang nakangisi si Vice. Naningkit yung mga mata ko.

Dumukot ako ng tatlong popocorn at sabay sabay na binato sakaniya. Tumama lahat sa mukha niya. Natawa ako ng kaunti tapos biglang napakunot ako ng noo. Parang nangyari na to.

"Ang harot."

Bulong ni Madc saakin na kanina pa pala nakatingin. Nagkibit lang ako ng balikat bago bumalik sa panonood. Pero paano ako manonood kung may lalakeng bato ng bato ng popcorn saakin. Nilingon ko siya.

"Uy ano ba. Sayang popcorn tsaka nanonood ako."

Kunwari inis na sabi ko sakaniya. Napahagikgik lang siya na parang bata. Natawa naman ako dahil ngayon ko lang ulit siya narinig na ganun.

"Yaan mo na, makunat naman na kasi. Tsaka nakakaboring tong pinapanood natin."

Sabi niya. Iiling iling na lang ako bago sinubukan ulit manood. Pero ilang minuto pa ang nakakalipas eh kinakalabit naman ako nitong katabi ko.

"Ano nanaman??"

Inis na sabi ko sakaniya pero hindi ko siya nilingon. Natawa nanaman siya tapos bumulong.

"Seryoso ka ba? Natutuwa ka jan sa pinapanood natin? Amboring kasi."

Sabi niya. Kinalabit naman kami nung nasa likod namin at sumenyas na wag kami maingay. Lalo naman natawa si Vice kaya tinakpan ko ng kamay ko yung bibig niya dahil baka mapagalitan na kami. Inalis niya naman yun agad tapos tumayo sabay hila saakin patayo.

"Huy! Di pa tapos yung palabas. Ano ba!"

Sabi ko pero nagpatianod na lang ako sa hila niya saakin. Tumatawa siya habang naglalakad kami pababa ng hagdan ng sinehan at hanggang sa makalabas kami ng sinehan. Huminto kami sa harap ng ticket booth. Humarap siya saakin habang nakangiti. Napakunot noi nanaman ako, parang nangyari na talaga to eh.

"Mag-arcade na lang tayo, dali! Mas masaya yun. Lika na."

Hila niya saakin. Pailing iling na lang akong sumunod sa trip niya. Nakakatuwa nga tong arcade. Tawa lang kami ng tawa habang naglalaro. Natalo ko siyasa basketball at sa tekken kaya nakabusangot siya nung lumabas kami.

"Okay lang nanalo ka naman sa Just Dance eh. Dancer pa tinalo mo ha."

Biro ko sakaniya. Nakapout pa din yung lips niya at nakakunot ang noo. Natawa ako lalo.

"Uy! Mag smile ka na. Ito naman para game lang eh. Sineseryoso mo naman agad."

Sabi ko. Napatingin siya saakin sa sinabi ko tapos ngumiti. Napahinto ako sa paglalakad habang nakatingin sakaniya. Kitang kita ko na umabot sa mga mata niya yung ngiting yun. Nagskip ng beat yung puso ko.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now