This Feeling

328 15 51
                                    

Jaki's POV

Napahawak ako sa dibdib ko na parang dinadrum. Nilingon ko si Dos na nakatalikod na din ngayon at naglalakad. Napakunot yung noo ko.

Hindi maintindihan ng utak ko at hindi madigest ng emosyon ko yung pakiramdam habang kaharap ko siya. Hindi ko masyadong makita yung mukha niya dahil naka-cap siya pero yung ilong, yung hugis ng mukha at lalo na yung mga mata niya, kahawig na kahawig ni Vice. No. Kamukhang kamukha.

"Imposible naman na kambal sila. Wala namang naiikwento si Vice saakin na may kakambal siya."

Sabi ko sa sarili ko habang wala pa din sa sarili na naglalakad papunta sa gate namin. Nakita kong nakaupo at nakadekwatro pa si Vice katabi ni Buern habang nagcecellphone. Huminto ako saglit para matignan siya habang hindi pa nila ako napapansin.

Iniimagine ko siya na may stubble ng balbas tapos mejo mahaba at magulo yung buhok. I lulled my head to the side at napahawak sa baba ko habang tinititigan siya.

No doubt. Para silang identical twins. Pero so what? Ano naman ngayon saakin yun? Ngayon ko nga lang nakilala yung si Dos. I shrugged bago naglakad palapit kay Vice at umupo sa tabi niya.

"Bakit ang tagal mo? Akala ko lumayas ka nanaman eh. Magpapanic na sana ako."

Sabi niya saakin habang nakangiti. I rolled my eyes. Palagi niyang ginagawang biro yung pagalis ko noon. Minsan nakakainis na din. Automatic niyang kinuha yung kamay ko at hinawakan ng mahigpit bago bumalik sa pagcecellphone.

"Ano ba yang kanina mo pa tinitignan jan sa phone mo?"

Usisa ko dahil mula nung makaupo kami eh inilabas na kaagad niya yung phone niya at kanina pa siya doon lang naka-tingin. Nilingon niya ako bago hinarap saakin yung screen ng phone niya para ipakita saakin yung picture ng isang beach wedding. Sa background nun ay ang papalubog na araw. Napangiti ako.

"Oh, bakit di mo ako isinasali? Baka naman hindi talaga ako ang gusto mong pakasalan?"

Biro ko sakaniya. Natawa lang siya bago yumakap saakin at humalik sa noo ko.

"Kung hindi din ikaw, hindi nalang ulit ako magpapakasal."

Sabi niya. Natawa lang ako sa kakornihan niya pero in fairness, kinilig ako. Yumakap din ako sakaniya.

"Jusko! Naman! Maumay naman kayo. May mga kasama kayo oh!"

Reklamo ni Buern sa tabi ni Vice na kanina pa pala kami pinapanood at palihim na kinukunan ng picture. Nagmakeface lang ako sa camera bago tumawa.

"Inggitera! Wag mo sila pansinin, babe. Inggit lang yan."

Sabi ni Vice. Tumawa lang ako bago humiwalay sakaniya at naglabas na lang din ng phone at nagsuot ng headphones para makinig sa music.

I'll tell you a story before it tells itself
I'll lay out all my reasons, you'll say that I need help
We all got expectations, and sometimes they go wrong
But no one listens to me, so I put it in this song

Umpisa palang ng kanta eh napapasabay na ako. Ngayon ko lang narinig pero parang nagpapahiwatig na di malaman. Kaya pinakinggan ko bawat salita.

They tell me think with my head, not that thing in my chest
They got their hands at my neck this time
But you're the one that I want, if that's really so wrong
Then they don't know what this feeling is like

Nilingon ko si Vice sa tabi ko na engrossed pa din sa ginagawa niyang pagsesearch ng wedding ideas at napangiti ako. Tumutugma sa kanta yung nararamdaman ko ngayon. Pumikit ako at sumandal sa upuan habang hawak padin niya yung kamay ko.



I'll tell them a story, they'll sit and nod their heads
I tell you all my secrets, and you tell all your friends
Hold on to your opinions, and stand by what you said (stand by what you said)
In the end, it's my decision, so it's my fault when it ends.

Habang nagpoprogress yung kanta na pinapakinggan ko at nakapikit ako ay mukha pa din Vice yung nakikita ko sa isip ko. Napapangiti ako habang nagtatap ng beat gamit ang paa ko.

They tell me think with my head, not that thing in my chest
They got their hands at my neck this time
But you're the one that I want, if that's really so wrong
Then they don't know what this feeling is like...

Out of the blue eh naisip ko si Dos. Lalo na yung oras na ngumiti siya saakin na nagpakabog sa dibdib ko. His face is so familiar dahil kamukha niya si Vice pero the feeling that he is giving me just by thinking about his smile, yun yung alien saakin. Nagbukas ako ng mata at sinubukang alisin sa isip ko yung mukha ni Dos.

This is just so wrong in so many levels, Jaki.

Sabi ko sa sarili ko sabay buntong hininga. Inalis ko yung headphones ko dahil may sinasabi pala si Vice pero hindi ko naririnig.

"Sorry, babe. Ano yun?"

Tanong ko. Nagsmile lang siya bago tumayo.

"Sabi ko po boarding na tayo. Lika na."

Sabi niya. Agad naman akong tumayo at naglakad kasabay niya papunta sa gate para magboard. May mga nauuna na samin na pasahero kaya mejo mabagal ang lakad namin.

Napakunot yung noo ko.

May nakita akong cap na parang nakita ko na kung saan. Navy blue yun tapos may logo ng isang University sa US.

Pilit kong inalala kung saan ko yun nakita. Nasa bandang harapan lang namin yung nakasuot at matangkad pa kaya kitang kita ko siya. Lumingon siya sa side.

"Dos?"

Mahina kong bulong na hindi nakalampas sa pandinig ni Vice. Nilingon niya ako.

"Ha?"

Tanong niya. Nilingon ko siya bago ako kabadong ngumiti. Paano ko ba ieexplain sakaniya na may nakilala akong random guy na kamukha niya?

Umiling lang ako bago ulit tinignan si Dos pero nawala na siya baka nakapasok na ng plane.

Mas paano ko ieexplain kay Vice na parang kinukulit ako ng isip ko at damdamin na kilalanin yung taong kamukha niya?

Ang sama ko ba? Am I cheating? Wala naman akong ginagawa na masama di ba?

Sabi ko sa sarili ko. Pilit ko na lang inalis si Dos sa isip ko. Baka curious lang ako. Magkaiba ang curious sa nagkakagusto. Di ba?

I'm pretty sure magkaiba yun.

Pero di ako sigurado kung alin dun ang nararamdaman ko. Humigpit yung hawak ko sa kamay ni Vice.

Pero alam kong mahal ko si Vice and that's enough para alisin ko si Dos sa isip ko.

------------------

Short UD. Duty calls. 😎


PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon