When I Look At You

431 19 0
                                    

Jaki's POV

Nakahiga ako sa kama ko habang hindi pa din mawala sa isip ko si Vice.

Si Vice at yung titig niya saakin habang sumasayaw kami ni Madc sa stag party niya. Bestfriend ko si Madc. Nakilala ko siya nung nasa Netherlands pa sila ng family niya pero umuwi siya sa Pilipinas two years ago para ipursue ang pagsasayaw.

Nung umuwi ako, dun ko lang nalaman na dancer na siya sa Showtime, yung noon time show nina Vice. Sakaniya ko din nalaman yung buong kwento ng Vicerylle at kung saan yun nagsimula.

Kaya nung inaya niya akong sumayaw sa isang stag party. Well, pinilit pala, dahil namimiss na daw niya akong kasama sa pagsasayaw, eh pumayag na din ako. Muntik na akong magback out nung malaman na stag party pala yun ni Vice. Pumayag lang ako nung sinabi niya na magmamask naman kami at nagpromise daw si Vhong na hindi niya sasabihin kung sino kami.

Pero hindi yun ang gumugulo saakin kundi yung mga titig ni Vice habang sumasayaw ako sa harap niya. Yung titig niya na umaabot hanggang sa kaibuturan ng damdamin ko.


"Haaaayyy naku Jaki!! Please lang!"

Inis na sabi ko sa sarili ko sabay dapa sa kama at burry ng mukha ko sa unan. Kung kelan naman ako magpapakasal dun naman ako nagkakagusto sa taong hindi ko naman kakilala.

"Nope. No. No."

Sigaw ko sa unan ko. Mababaliw na ako. Bumalikwas ako at kinuha ko yung phone ko at muling binasa yung DM ni Vice saakin.

Praybeyt Benjamin:

Jaki! Nakauwi ka ba ng maayos?

Tanong niya saakin. Nauna na akong umalis kanina dahil sa di ko malaman kung bakit mejo naiinis ako sa kasweetan ni Vice at K. It's not possible. I am not the jealous type pero bakit parang nagseselos ako?

"You're crazy, Jaki. Hindi ka nagseselos. Tsaka ano ka ba! Fiancee niya yun. Baliw ka."

Pagpapakalma ko sa sarili ko. Kanina ko pa iniisip kung rereplyan ko ba si Vice or hindi. Tumayo na lang ako at nagshower baka sakaling makatulog na ako.

Pag labas ko ng CR eh nagwawala na yung ringtone ng phone ko. Nagtaka naman ako kasi walang nakakaalam ng number ko bukod kay Liz at Madc.

Tinignan ko kung sino.

Unknown number? Lalong napakunot ako ng noo. Kinuha ko yun at sinagot ko na lang din.

"Hello?"

Sabi ko. Mejo maingay sa background ng tumatawag at parang may mga tumatawa pa.

"Hello?"

Ulit ko pero wala pa din nagsalita. Ibababa ko na sana nung biglang may magsalita.

"Jaki? Hello? Naririnig mo ba ako? Wait lang."

Sabi nung nasa kabilang linya. Teka? Kilala ko yung boses na yun.

"Vice?!"

Tanong ko. Hindi agad sumagot si Vice pero napansin kong biglang tumahimik yung background niya.

"Jaki? Nakauwi ka na ba?"

Tanong niya saakin. Mukhang tipsy na siya kasi mejo slurry na yung pagsasalita niya. I smiled unconciously tapos biglang bumalik ako sa huwisyo at sumimangot intentionally.

"Oo. Kanina pa. Pano mo naman nalaman number ko?"

Tanong ko sakaniya. I heard na tumawa siya ng kaunti bago siya sumagot.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now