Void Ab Initio

311 11 14
                                    

Dos's POV

It feels so good riding the waves. I will never get tired of this. Para akong isa sa mga alon na paulit ulit humahampas sa dalampasigan.  Natanaw ko si Jaki na nagbabasa katabi ni Kuya Vice. It felt weird having a kuya and an ate pero masaya pala. Ang saya saya pala.

Napangiti ako habang naglalakad paahon. Naglakad na ako pabalik sa kinaroroonan nila Kuya Vice at umupo sa isang bench chair sa tabi niya. Mukhang balisa siya at hindi mapakali at kanina pa tingin ng tingin sa phone niya. Kinuha ko yung phone ko at binasa yung email nung agent ko.

Bago yun at kagabi lang dumating pero hindi ko na nagawang basahin.

Vice and Jaki's New York wedding is void. It is not legal and binding in the eyes of the Philippine courts. They did not secure a valid marriage licence, hence, it is void ab initio.

Napamaang ako sa nabasa ko at napalingon kay Kuya Vice na kanina pa pala nakatingin saakin. Sumenyas siya saakin na sumunod sakaniya bago siya tumayo at nagsalita.

"Babe, kuha lang kami ng inumin ni Dos ha? May gusto ka ba?"

Tanong niya. Saglit lang na tumingin si Jaki sakaniya at umiling bago ulit nagtuon ng pansin sa librong binabasa niya. Sumenyas si Kuya saakin na sundan siya at tahimik lang akong sumunod sakaniya hanggang sa kusina. Tumingin muna siya sa paligid at sinara ang pinto bago ako hinarap. Halata sa mukha niya ang takot at kaba kay napakunot noo ako.

"Dos, I know alam mo yung tungkol kay Ana."

He said. His voice was unsteady and a little raspy na parang nagpipigil umiyak. Napaayos ako ng tayo at humalukipkip bago sumagot.

"Yes and also about the wedding."

Seryoso kong sabi sakaniya. Napakunot noo siya sa sinabi ko bago nagsalita.

"What about the wedding?"

Sabi niya. Umiling na lang ako. I think hindi niya naman sinadya yun.

"What about Ana? Why do you want to talk to me about her? Nagpromise na ako di ba? Wala akong sasabihin kay Jaki, you have my word."

Sabi ko sabay cross ng heart ko. Naglakad ako papunta sa ref at kumuha ng tubig. Inabot ko yun sakaniya dahil mukha na siyang hihimatayin. Kinuha niya yun at uminom bago siya ulit nagsalita.

"She texted me, said she bled. She wanted me to go there pero alam mo naman na hindi pwede."

Sabi niya saakin. Tinaasan ko siya ng isang kilay. I don't like where this is heading but I listened anyway. Una, dahil naaawa ako sakaniya at pangalawa, to protect Jaki.

"Can you just please check on her? Please? I will text you the address. Give me your number. Please?"

Pagmamakaawa niya. He is desperate. I gave him my phone and studied him habang nakahalukipkip.

"Kuya, tell me the truth. Sino sakanila ang mahal mo? Hindi ako bulag, I can see how desperate you are na malaman ang kalagayan ni Ana. Just be honest with me."

I said. Napatitig siya saakin. He opened his mouth and closed it again like a goldfish and then he looked down as if thinking deeply about it for the first time.

"Si Jaki, madami na siyang sakit na naranasan dahil saakin. Palagi siyang nasa tabi ko at handang mahalin ako. Hindi ko siya kayang mawala saakin, Dos. Pero si Ana.... I don't know. Nung una akala ko... Akala ko.."

He choked back tears and looked away. Naoakuyumos ako ng kamao pero pinigilan ko ang sarili ko. Hinintay ko siyang magsalita at ipagtanggol ang sarili niya.

"Nung una akala ko nakikita ko lang si K sakaniya, yung asawa ko na namatay. Pero as time goes by, parang nagkakaroon ako ng ibang feelings para sakaniya."

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now