At The Beginning

447 17 14
                                    

Vice's POV

Naalimpungatan ako nung maramdaman kong may gumalaw sa mga braso ko. Kumurapkurap ako para magadjust yung mga mata ko sa sikat ng araw.

Napangiti ako nung makita kung sino yung nasa mga bisig ko. Si Jaki. Mahimbing pa din siyang natutulog at mejo namumugto pa ang mga mata dahil nga umiyak siya kanina. Hinalikan ko siya sa noo at lalong napangiti nung naalala kong girlfriend ko na nga pala siya. Kinuha ko yung phone ko at kumuha ng ilang shots.

Nagpost ako sa IGs ko ng picture namin. Tanging yung mga lips lang namin ang visible sa shot na yun. Walang kahit anong caption.

"Gising ka na?"

Tanong niya saakin habang nakapikit pa din. Hinalikan ko ulit siya sa sa noo bago sumagot.

"Uhm-hmm. Gutom ka na ba? Kumain na tayo."

Sabi ko sabay yakap sakaniya. Gumanti naman siya ng yakap na nagpangiti saakin. Pinikit ko din yung mga mata ko at sinubukang isavor muna yung moment na yun.

"Sige. Tara kain na tayo tapos mamasiyal na tayo."

Sabi niya. Masiglang masigla yung boses niya ngayon, hindi gaya kanina. Marahan naman akong tumayo at nauna nang naligo. Pagkatapos ko ay agad din siyang sumunod sa banyo.

"Sabi ni Vhong hindi malamig. Mabuti na lang may hoodie ako."

Iiling iling kong sabi bago nagsuot ng kulay abong hoodie at itim na pantalong. Nagsusuklay ako ng buhok nung lumabas si Jaki. Napakunot noo siya sa nakitang suot ko.

"Malamig ba?"

Tanong niya. Tumango lang ako bago lumapit sakaniya. Nakasuot na siya nung ng puting blouse at itim din na jeans.

"Wala akong dalang kahit anong pang ginaw."

Nagaalalang sabi niya. Natawa naman ako at bumalik sa harap ng bagahe ko para kumuha ng isang pull up sweater ko. Kulay mustart yellow yun. Inabot ko sakaniya.

"Malaki sayo to, pero keri mo naman eh. Para di ka ginawin."

Sabi ko. Kinuha naman niya yung at ipinatong sa suot niya. Mukha siyang hiphop kaya nagtawanan kaming dalawa. Inilislis niya yung manggas hanggang sa kaya. Kinuha ko yung kamay niya at inaya nang bumaba.

Sinalubong kami ng mataas na sikat ng araw pero crisp at malamig na simoy ng hangin. Saglit kaming nagbabad sa arawan bago kami tinawag ng isang lalakeng naka-uniform.

"Sir! Mam! Vice po?"

Tanong niya. Tumango naman ako at napangiti dahil pinoy din siya. Nilahad niya yung kamay niya saamin at nagpakilala.

"Ako nga po pala si Alfie. Tour guide niyo po. Since umaga po ngayon, I'm sure gusto niyong kumain."

Sabi niya. Napatango naman kamo kaagad nung marinig yun dahip kanina pa talaga kami nagugutom. Nilibot niya kami sa Jeju at pinatikim saamin yung iba't ibang pagkain doon. Enjoy na enjoy naman kami ni Jaki.

"Ang sarap!!"

Sabi ko pagkatapos namin maubos yung tig-isang naguumapaw na bowl ng ramen.

"Oo nga. Solve na ako nito buong araw."

Sabi ni Jaki habang hinihimas pa ang tiyan. Natawa ako sa ginawa niya. Inaya na kami ni Alfie at pinakita saamin ang iba't ibang lugar duon.

"Sir, Ma'am. Free na po kayo for today pero bukas po, lilipat tayo sa mainland. Lilipad po tayo papuntang Seoul."

Sabi ni Alfie nung maihatid niya na kami sa lobby ng hotel. Excited namang napatalon si Jaki sa narinig.

"Yehey! Talaga? Ang saya naman!! May makikita kaya akong mga Kpop dun?"

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon