Somebody Out There

357 13 20
                                    

Unknown Person's POV

Nagjojogging ako habang nakaheadset at nakikinig sa mga kanta ng paborito kong banda nung biglang magring yung phone ko. Huminto muna ako at chineck yun. Isa galing sa agent ko telling me na ready na yung nirerequest kong papers and the other is from the president of the company where I'm working.

"Netherlands. Wow. Okay."

Sabi ko sabay close ng message at nagsimula na ulit tumakbo. Ilang taon na akong kinukulit ng boss ko na lumipat sa project namin sa Amsterdam kailangan daw niya yung top engineer niya doon. Ilang taon ko din siyang tinatanggihan pero this year is different.

Tinanggap ko yun kasabay ng pagtanggap ko sa katotohanan na hindi ako tunay na anak ng mga magulang ko. Kasabay ng pagsubok ko na magestablish ng identity na masasabi kong saakin. Isang bagay lang talaga ang gumugulo sa utak ko eh.

Yung mga memories. Hindi ko alam kung memories ba talaga yung mga yun or what. I tried na magseek ng professional help but nothing helped. Nung una sabi nila baka dahil yun sa trauma na naexperience ko while growing up, na gumagawa ng made up memories yung utak ko to cover up the pain and all that. Pero deep inside, alam kong hindi yun tama. I shrugged.

I went straight to the bathroom pagpasok ko sa bahay and took a quick shower bago nagbihis. I wore my favorite tie kasi I'm feeling somewhat excited for today. Tumingin ako sa salamin at inayos kaunti yung buhok ko bago ko kinuha yung susi ng kotse ko sa ibabaw ng side table.

"There he is! The new Executive Engineer of the Amsterdam Project! Come in!"

Malakas na bati saakin ni Mr. Cooper, yung COO ng firm na pinagtatrabahuan ko. Sinalubong niya ako at inakbayan habang naglalakad kami papasok sa opisina niya. Umupo siya sa executive chair niya bago sumenyas na umupo ako. Umupo ako at nagdekwatro.

"So, when are you leaving?"

Tanong niya saakin habang nakangiti. Sumandal ako sa upuan bago tumingin sakaniya.

"Well, I need atleast a few weeks to pack my things and finish my work here."

Sabi ko. Tumango naman siya kaagad at nakangiti pa din bago tumayo mula sa kinauupuan niya.

"Sounds fair. Do what you need to do and just tell Ms. Mandy your preferred date of departure."

Sabi niya. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nilahad ang kamay ko sakaniya na agad niya namang kinamayan.

"Will do boss. I'd better go then."

Paalam ko. Tumango siya bago naglakad palapit sa floor to ceiling window ng opisina niya at nagmasid sa paligid.

"Oh! Vinny! By the way, do not forget about our dinner with my wife tonight, okay?"

Habol niya saakin. Tumango lang ako bago tuluyan ng lumabas ng opisina niya. Tinawagan ko yung agent ko para sabihin na pumunta na siya sa opisina ko bago ako sumakay ng elevator.

"It's about time na makilala ko ang mga tunay kong magulang."

Bulong ko sa sarili ko bago ko pinindot yung floor number ng opisina ko.

-------------

Vice's POV

Mula nung bumalik si Jaki eh hindi ko hinayaan na may araw na hindi ko masasabi sakaniya kung gano ko siya kamahal. Wala oras na hindi ko pinaramdam sakaniya that I am committed in making our relationship work.

"Vice, si Greg nga pala. Kaibigan ko."

Pakilala niya sa isang lalakeng mukhang FilAm. Hindi niya kasi naipakilala saakin nung araw na bumalik siya dahil hindi niya nahagilap at may taping din ako. Tumango ako dun sa lalake bago ko nilahad yung kamay ko na nagaalangan naman niyang kinamayan.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now