The Choice

496 19 3
                                    

Vice's POV

Maagang maaga pa lang ay nagising na ako. Dahan dahan kong inilayo yung katawan ko sa natutulog na si Jaki at nagbihis ng pang jogging. Gusto ko muna kasing bumaba para tumakbo saglit para maalis yung mga bagay sa isip ko.

Nagsuot ako ng headset at nagsimulang tumakbo mula sa hotel. Malamig ang panahon, mabuti na lang at hoodie ang sinuot ko. Hindi ko alam kung gano na kalayo ang natakbo ko pero pinagpapawisan na ako at mejo hinihingal na din. Huminto ako saglit para magpahinga at panoodin ang dahan dahang pagsilip ng araw sa horizon.

It was beautiful.

Memories came flooding back to me.

The day I asked Karylle to marry me. The happiest day of my life.

Napangiti ako kasunod ng mga luhang kumawala mula sa mga mata ko. I shrugged the memory and wiped the tears away bago ako nagpatuloy sa pagtakbo. May mga bagay na kailangan tayong iwan sa nakaraan at magsisilbi na lang talagang magandang alaala.

Pagbalik ko sa hotel ay mahimbing pa ding natutulog si Jaki. Nakadapa siya at mukhang maganda ang napapanaginipan.

Umupo ako sa gilid ng kama para titigan siya. Inayo ko muna yung buhok niya na nakatabing sa maganda niyang mukha bago ko siya hinalikan sa noo. Her eyelids flutter and after a few minutes her eyes opened.

"Good morning, Princess."

Sabi ko sabay ngiti. Ngumit din siya at naginat saglit bago umayos ng upo. Tumayo naman ako at kinuha yung towel sa may upuan.

"Magshower na ako para maaga tayo ha."

Sabi ko sabay ngiti. Tumango naman siya kaya dumeretso na ako CR para maligo.

"This is the love lock bridge! Yung mga lovers naglalagay ng lock dito para ilock yung love nila for each other. Gusto niyo ba?"

Nakangiting sabi saamin ni Alfie, yung guide namin. Nakatayo kami nung sa love lock bridge sa Seoul. May mga kasabay din kaming mga tourist na naglalagay ng padlock sa barikada ng tulay. Tinignan ko si Jaki.

"Try natin? I mean. Kung gusto mo."

Nakangising sabi ko sakaniya. Napangiti din siya ng pagkalaki laki saakin bago masayang sumagot.

"Sige ba. Tara, ayun oh! May nagbebenta dun!"

Sabi pa niya sabay turo sa isang elderly na babae malapit sa mga turista. Hinila niya ako papunta dun kaya patakbo kaming pumunta sa harap nung matandang babae.

Kinausap naman ni Alfie yung babae in Korean at nakita kong ngumiti ito saamin bago niya ipinakita yung mga designs ng padlock saamin. Inexplain niya in Korean kung ano ang gagawin na trinanslate naman ni Alfie in Filipino.

"Sabi ni Ajuma, kailangan daw isulat niyo sa padlock yung initials niyo, tapos ilock niyo dun. Then yung susi, itapon niyo daw sa dagat."

Sabi ni Alfie habang nakaturo sa barricade ng tulay. Tinanaw ko naman yung tinuturo niya bago tumango. May isang babaeng pumukaw ng atensyon ko, nakaitim siya na coat at bonnet habang tinatangay ng hangin yung dulo ng kulot niyang buhok. She stood out, dahil sa dami ng couples doon ay bukod tangi siyang mag-isa. Napakunot noo ako.

"Huy!! Anong nangyari sayo?"

Sabi ni Jaki saakin habang pinapadaan sa harap ko yung palad niya. Napatingin ako sakaniya at ngumiti na lang bago ko kinuha yung kamay niya at inakay siya palapit sa barricade. Inabot saakin ni Jaki yung padlock.

Kulay pink na baboy yun tapos may letters na V at J na nakasulat. Sabay naming ikinabit yun kaso ayaw magsara.

"Naku,sira ata. Teka ipalit natin."

PUSO Book 3: Huling YugtoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant