Ab Initio

401 16 4
                                    

Reaper's POV

Nostalgic. Yun ang pakiramdam ko habang pinapakinggan ko yung music na nanggagaling sa loob ng kwarto nung babaeng susunduin ko. Nakasandal ako sa labas ng pintuan niya at hinihintay yung oras na hihinto na sa pagtibok yung puso niya. I smirked.

"Ako naman ngayon ang naghihintay na mamatay ka. Tss."

Bitter na sabi ko habang nagtatap ng beat sa sahig. Ilang minuto pa ay nakarinig na ako ng mahinang pag-ubo kasunod ng paghinto ng tibok ng puso niya. Iiling iling akong pumasok sa loob at inabutang nakahiga sa kama yung katawan niya at tahimik na nakatunghay doon yung kaluluwa niya na susunduin ko.

"Finally. Akala ko forever na tayong matatali sa parusang to."

Sabi ko sakaniya habang nakapamulsa. Lumingon siya saakin, bumalik na siya sa dating siya. Bata, vibrant at fresh. I smirked again. Alam kong hindi niya ako makikilala, pano naman di ba, tong hood ko ng kadiliman.

"Ikaw pala. Tama ka. Ilang taon din, nakakapagod. Pero hindi ko pinagsisisihan."

Nakangisi niyang sabi. Natawa naman ako. Hanggang ngayon, walang hiya pa din talaga tong hayup na to.

"Dami mo sinasabi, lika na. Tumawid ka na at nang makabalik na ako."

Sabi ko sabay talikod. Kahit hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Alam kong kasama siya sa pag tawid ko papunta sa asul na room. Nakangiti ako.

"Hintayin mo lang ako, Jose."

Bulong ko sa sarili ko. Tama naman si Mr. T. Wala na akong magagawa sa tadhana. Di ba?

---------------
Vice's POV

Pagkatapos ng showtime ay agad akong nagpareserve ng table for 2 sa isang restaurant sa Tagaytay.

"Mukhang may date ka ah? Sinagot ka na ba?"

Tapik saakin ni Vhong na noon ay kapapasok lang ng DR ko. Inikot ko yung vanity chair ko para humarap sakaniya.

"Hindi pa. Excited ka. Teka san ba mas maganda? Batangas o Tagaytay?"

Bigla akong nagdalawang isip sa reservation ko, naalala kong kagagaling lang pala namin dun. Napaisip siya saglit bago sumagot.

"Mas okay siguro kung low key lang. Batangas na lang, tapos along the beach."

Sabi niya. Napatango tango lang ako. Tama nga naman mas romantic yun. Agad kong pinacancel yung reservation ko tapos tumawag sa kaibigan kong may ari ng resort sa Batangas para magpa set up ng dinner by the beach.

Nagpaalam ako kay Vhong at nagtext muna kay Jaki bago umalis.

To Jaki:

Miss maganda, I'll pick you up at 6pm?

Sabi ko. Sinend ko muna yun bago ako umalis. Tinawagan ko si Liz para mag padala ng magandang beach dress kay Jaki asking her to send it straight to Jaki's condo at pumayag naman siya.


Nagdadrive na ako papuwi muna nung biglang tumawag saakin si Billy.

"Kuys! Busy ka ba? Asan ka? Puntahan mo ako dito sa Fully Booked, may ipapakita ako sayo. Bilis!"

Nagmamadaling sabi niya saakin. Nagtataka naman ako dahil kung makapagsalita siya eh akala mo may emergency.

"Sige sige. Papunta na."

Sabi ko sabay baba ng phone at sulyap sa orasa. 4:30pm. Napailing ako, baka nalate ako nito sa date ko. Iiling iling ako habang nagdadrive.

Nakarating ako sa Fully Booked at halos patakbo akong pumasok. Binasa ko yung message si Billy, nasa 3rd floor daw siya. Sa may SB. Agad akong umakyat at hingal na hingal kong hinagilap si Billy.

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon