Where Are You Now

424 9 39
                                    

Vice's PoV

"Jose Mari! Andito na yung pinagawa mo."

Tawag saakin ni Dos mula sa pintuan ng opisina ko sa bahay. Nakasanayan niya na akong tawaging Jose Mari dahil pareho naman daw kaming Vice (Viceral).

Nagangat ako ng tingin mula sa sinusulat naming kanta ni Dos at nakita ko siyang may winawagayway na brown envelope. Huminga ako ng malalim bago tumayo mula sa swivel chair at naglakad papunta sakaniya.

1 year na mula nung umalis si Jaki. Wala kaming alam kung nasan siya dahil nagdeactivate siya ng lahat ng accounts niya sa social media at nagpalit na din ng number. Napagusapan namin ni Dos na hindi kami gagawa ng paraan para hanapin siya at irerespeto namin ang gusto niya.

"Akin na. Tsaka kelan ka pa umuwi?"

Sabi ko sakaniya. Nung matapos kasi yung project niya sa Netherlands eh nalipat agad siya sa Greece. Inabot niya saakin yung envelope at sabay kaming pumasok sa loob ng opisina. Umupo ako sa swivel chair habang siya naman ay tumayo sa harap ng bintana at namulsa.

"Kuya, anong plano mo sakaling negative ang results niyan? Hahanapin mo na ba siya?"

Tanong niya saakin. Saglit akong natigilan. Hahanapin ko ba siya? Bakit pa? Narealise ko nung umalis siya na kahit ano pang subok namin kung ayaw talaga ng tadhana, wala din kaming magagawa.

"Nope. Kilala ko si Jaki, babalik yun pag ready na siya at kahit hanapin mo siya kung ayaw niyang mahanap ay wala ka din magagawa."

Sabi ko habang pinapakiramdaman yung envelope na hawak ko. Natahimik si Dos. Tumayo ako bago lumapit sakaniya.

"Ikaw? Anong plano mo?"

Sabi ko. Nagkibit balikat siya bago sumagot.

"Kahit mahanap ko siya kung hindi ako ang makapagpapasaya sakaniya, what's the use?"

Sabi niya. Inakbayan ko siya at sinamahan sa pagmamasid bago ko inabot sakaniya yung envelope.

"Open this will you?"

Sabi ko bago tumalikod. I heard him sigh kasunod ng tunog ng papel na pinupunit. Kinakabahan ako sa totoo lang pero I already have nothing to lose.

"Jose Mari! Oh my friggin cow! Kid's not yours!"

Sigaw ni Dos saakin sabay akbay saakin ay pakita ng result ng paternity test na pasekreto naming ginawa. Nalungkot ako bigla at nasaktan but I have already decided bago pa lumabas yung result.

"Okay. Walang makakaalam nito, Dos. Pananagutan ko yung bata."

Sabi ko bago pabagsak na umupo sa swivel chair ko. Sinundan ako ni Dos at padabog na pinatong yung mga papel sa table ko.

"What! So para saan pa to?"

Sabi niya saakin. Nagkibit balikat lang ako bago sumagot.

"Wala naman nang mawawala saakin eh. In fact my nagain pa ako di ba? Just let it go."

Sabi ko sakaniya bago ulit hinarap yung sinusulat namin na kanta. Just for fun lang naman to pero pang alis din ng stress eh. Kinusot ni Dos yung result bago umupo sa sofa malapit sa table ko.

"Yung kanta ba yan?"

Sabi niya. Tumango lang ako. Naramdaman kong tumayo siya  at kinuha yung gitara mula sa gilid ng sofa at tumayo siya sa likod ko. Sinubukan naming kantahin at kahit papano ay natapos namin yung kanta.

Kamusta ka na ba, Jaki? Kamusta ka na kaya.

Minsan naiisip ko din siya. Pero this time hahayaan ko naman siyang magging masaya.

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon