Where Do We Go Now

440 16 35
                                    

Vice's POV

Maaga akong nagising kinabukasan para magprepare. Nagshower muna ako at nagbihis, simpleng dark blue na pull over sweater at khaki na cropped jeans lang ang sinuot ko na tinernohan ng itim na rubber shoes.

Bumaba ako sa kusina, It felt so empty. Sanay na ako pero minsan hindi ko pa din maiwasan na malungkot.

Kumuha ako ng black bread sa counter at nagslice bago nilagay yun sa toaster at nag start ng mag-brew ng coffee. I drummed my fingers sa counter while waiting nung may maalala. Kinuha ko yung phone ko muna sa bulsa ko at tinext si Jaki.

To Jaki:

Pst! Good morning! See you later.😘😘

Sinend ko muna yun bago kinuha yung tinapay mula sa toaster at nagbuhos ng kape sa itim kong mug na may puting letter K na print bago umupo sa bar stool at kumain bago ko binasa yung reply ni Jaki.

Jaki:

Good morning pogi! See you later😙😙

Sabi niya. Napangiti ako sa nabasa ko pero agad ding nalungkot.

Tinawag niya akong pogi?

Sabi ko sa sarili ko bago tumipa ng reply. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakaniya na si K ang naaalala ko pag tinatawag akong pogi.

To Jaki:

Pogi talaga? Hmmm. Iba na lang itawag mo saakin. Babe na lang or Loves. 😊😊

I hit send. I finished my coffee and break and head out para daanan muna yung flowers na inorder ni Vhong kagabi. Sinend niya saakin yung address, along the way lang naman kaya walang problema.

Pagpasok ko sa flower shop eh bumungad na agad saakin yung amoy ng iba't ibang klase ng bulaklak. Napangiti ako dahil para akong nasa loob ng ibang dimensyon. It was enchanting and almost magical. Parang hindi mo aakalain na nasa gitna siya ng city.

Naglakad ako sa malawak na area nun. Napansin kong may gazebo na maliit sa gitna, napapalibutan yun ng vines at sa gitna may pot ng halaman na may kulay maroon buds na hindi pa bumuka. Tinitigan ko, it's not maroon. Deep brown ang color nito.

Lumapit ako dun out of curiousity. I reached out and tried touching the buds.

"Please don't! That is a very rare plant."

Napabawi ako sa kamay ko nung marinig ang boses ng isang babae. Napalingon ako sakaniya. She's an elderly lady na mukhang spanish. Gloria Romero ang datingan. I smiled apologetically.

"Sorry po. Ang ganda po kasi. Ano po ba to?"

Tanong ko. Nakangiti siyang lumapit saakin sa gazebo at tinignan ng buong suyo yung halaman.

"This one is called Chocolate Cosmos. It's not just rare, siguro mabibilang na lang sa daliri ang bilang nito sa mundo. My late husband gave it to me, nung first date namin. Allergic kasi ako sa chocolates, so ito na lang daw."

Explain niya habang nakatingin sa halaman. Nakangiti siya na para bang yung halaman na yun ang nagpapaalala sakaniya ng mga magagandang memories nila ng asawa niya. I smiled.

"Napakaganda po nito. Tsaka, amoy chocolate talaga siya ha. Parang vanilla."

Sabi ko sabay lapit ng kaunti sa halaman para amuyin yung scent nun. Natawa naman yung matanda bago ako hinila palayo dun papunta sa counter ng shop.

"That's why it's called Chocolate cosmos. Silly. Anyway, here's your order. Ecuadorian di ba?"

Nakangiti niyang sabi saakin. Tumango lng ako bago bumunot ng wallet at nagbayad. Kinuha nung matandang babae yung bayad ko bago siya ngumiti saakin.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now