Chocolate Cosmos

426 16 8
                                    

"The heart has reasons of its own which reason does not know"

Reaper's POV

Nakaupo ako sa taas ng bubong ng bahay ni Vice habang nakamasid sa paparating niyang sasakyan. Galing siya sa dinner nila ni Dr. Modesto na tatay ni Karylle sa buhay na to. Hindi nagging maganda ang takbo ng usapan nila kaya mejo masama ang timpla niya. Kilalang kilala ko na si Vice, pupunta yan deretso sa bar at kukuha ng isang bote ng alak tapos maglalasing para makatulog.

"Tss. Lasenggo kahit kelan."

Bulong ko sa sarili ko. Hahayaan ko muna siya tutal naman mukhang maayos ang lagay nila ni Jaki, pwede akong magpahinga sa pagging kupido ko sakanila. Naalala ko tuloy yung sinabi nung madaldal na Mr. T na yun.

"Fate is fate. Dami alam. Kung fate is fate, bakit ako andito? Tapos yung nakatadhana para saakin eh nasa kabila."

Sabi ko habang binibilang yung bituin sa langit. Naka-ilang lifetime na ba ako ng tao na pinagdaanan pero hindi ko pa din matapos tapos ang pagbibilang ko sa mga to.

"Ano kaya kung... hindi naman siguro masama..."

Sabi ko bago tumalon mula sa bubong ng bahay ni Vice. Naglanding ako sa tabi ng gazebo sa loob ng shop na Heaven's Bloom. Nilapitan ko yung Chocolate cosmos at napangiti.

"Buti na lang buhay ka pa. Wag lang bibitaw ha."

Nakangiti kong sabi dun sa halaman. Sumandal ako sa gazebo kasunod ng pagpasok nung matandang babaeng may ari ng shop.

"Tignan mo nga naman, malapit ka na din atang magka-black envelope. Tsk. Lalo na ngayon."

Sabi ko sabay iiling iling na pinanuod siya habang naglilinis. Napasulyap siya dun sa chocolate cosmos sa gitna ng gazebo at napangiti. Napa-irap naman ako dahil alam kong iisang tao lang ang pumasok sa isip niya.

"Jose... yung binatang bumili dito kanina, kamukhang kamukha mo. Pareho ng hulma yung mga mukha ninyo."

Mahinang bulong niya na hindi nakalampas sa pandinig ko. I rolled my eyes bago tumalikod paalis.

"Malamang... Katawan niya yun eh."

Sabi ko bago lumabas ng pintuan papasok sa bahay ni Vice. Lumitaw ako sa malawak na salas niya at dumeretso dun sa mini bar niya sa may garden. Hindi nga ako nagkamali, andun siya at mukhang nakailang shot na. Umupo ako sa tabi niya at nangalumbaba paharap sakaniya. Hindi naman niya ako nakikita eh. May kausap siya sa telepono.

"No, okay lang. Matatanggap din niya brad. Alam ko naman masaya si K pag masaya ako."

Sabi niya sa kausap. Si Vhong yun for sure. Iisa lang naman ang kaibigan niya na napagsasabihan niya ng ganun eh. The ever loyal gagamboy.

"Oo nga eh. Anyway, dadaan ulit ako dun sa flowershop bukas para makabili ng bulaklak. Tatanungin ko na lang yung may ari dun kung ano ang magandang ibigay tuwing martes."

Sabi niya sabay tawa ng kaunti. Napangiti ako, nandun pa din yung ngiting hindi ko malilimutan kahit kailan. Napabuntong hininga ako, grabe naman kasi tong parusa saakin. Yung iba naman na katulad ko walang maalala tungkol sa mga nakaraan nila, pero ako? Walang nakalimutan kahit isa. Tumayo si Vice mula sa kinauupuan niya at mejo susuray suray na naglakad paakyat. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko bago ako umalis.

"Magging masaya ka, pramis! Akombahala sayo."

Sabi ko bago tuluyang umalis.

------------------

Vice's POV

Katatapos kong magshower at magbihis at kasalukuyang nakahiga sa kama.

Inaalala ko yung sinabi saakin ni Daddy M. Napapikit ako.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now