Beautiful Wreck

445 21 3
                                    

Vice's POV

Nakaupo ako sa harap ng bar counter ko sa bahay habang umiinom ng whiskey at pangiti ngiti. Nasa ibabaw ng bar yung wedding ring ni K na palagi kong dala kahit saan ako mapadpad.

"Kurba, alam ko sabi ko sayo hindi na ako magmamahal ulit. Pero ang hirap pala. Bubuksan ko na ulit yung puso ko. Pero wag kang mag-alala, yung pagmamahal ko sayo hindi na mawawala yun."

Parang tanga kong kinakausap yung singsing bago sumimsim ng alak. I looked at my own finger, suot ko pa yung wedding ring namin. Inalis ko yun at itinabi sa wedding ring ni K. I took a photo of it and for the first time in a very long time, pinost ko yun sa IG.

Praybeyt Benjamin:

My Love, it's been a year. My heart still aches for you but now in a very happy manner. I think of you and I smile, thank you for the memories. I know now that your love is unconditional and that my happiness is your happiness. That's why, I am now opening my heart and myself to love.

I posted it kasabay ng pag ubos ko ng alak mula sa baso at tayo papasok sa loob ng bahay. I kept our rings inside a blue velvet box tapos tinignan ko yung ring finger ko kung saan makikita mo pa din yung marka ng singsing na matagal ko ding isinuot. That night was the last time that I cried for K.



"Anak, there's nothing wrong kung mag-momove on ka na at susubukan mong magmahal ulit. Walang masama dun."

Sabi saakin ni Mommy Z na noon ay kasama kong naglalunch. Sunday nun kaya wala akong work kaya naman naisipan kong tawagan siya para kausapin. She's very understanding at nararamdaman ko yung care niya bilang pangalawang nanay ko. Tumango ako bago sumubo ng chicken.

"Pakiramdam ko kasi, Ma na niloloko ko si K dahil kay Jaki. Naguiguilty pa din ako."

I said truthfully. Kinuha niya yung baso niya ng red wine at uminom muna bago ako tinignan sa mga mata.

"Anak, K would be happy to see you na masaya. I know that. Kaya wag kang maguilty at isa pa, I like Jaki ha. Maganda tapos matalino, no?"

Sabi niya. Uminom muna ako ng wine tapos ngumiti. Tumango ako dahil sa ilang buwan naming pagbabatuhan ng banter sa showtime eh napapansin ko din talaga na witty si Jaki.

"Oo, ma. Napaka-witty talaga. Ambilis niya mag-isip ng mga isasagot. Kaso yun nga lang, nafriendzone ako sakaniya."

Sabi ko sabay pailing iling pa. Tinuloy ko yung pagkain ko.

"Naku, ikaw pa ba. Ganiyan din si K sayo dati eh. Sabi nga niya nun sakin, ang tingin niya lang sayo eh sister! Eh san kayo dinala nun di ba."

Natatawang sabi ni Mommy Z saakin na nagpatawa naman saakin. Pinapakiramdaman ko kung may mararamdaman akong sakit pero wala. I am at peace with myself na. I reminisced and smiled.

"Eh paano naman po mas babae pa ako sakaniya nun di ba. Pag naka-gown siya eh nakagown din ako."

Sabi ko sabay tawa. Nagtawanan kami sa pagalala sa nakaraan. Wala nang bahid ng sakit. Pagkatapos namin maglunch eh dumaan muna kami sa cemetery para maglagay ng bulaklak sa puntod ng asawa ko bago kami nagpart ways.

Sumakay ako sa kotse ko. Matagal akong umupo dun na parang hindi na ako sanay sa kotse. Kinuha ko muna yung phone ko at tinawagan si Jaki. Sumagot naman siya after ng apat na ring.

"Hello, friend!"

Sabi ko, emphasis on the word friend. Narinig kong natawa naman yung nasa kabilang linya bago sumagot.

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon