Let Her Go

437 22 6
                                    

Vice's POV

Tulala.

Nakatulala ako sa kisame ng kwarto ko. Katatapos ko lang kausapin si K para sabihin sakaniya na nakauwi na kami. Dito ko na dinala lahat ng sakay ko sa bahay ko, tutal madami namang kwarto dito tsaka linggo naman bukas.

Jaki? Siguro pagod na pagod ka na. Kanina ka pa tumatakbo sa isip ko.

Bulong ko sa sarili ko bago dumapa. Hindi ko alam kung bakit ko siya iniisip. Napadako yung mata ko sa phone ko na nasa ibabaw ng side table and for a second gusto ko yung kunin para tawagan si Jaki. Inaabot ko na pero binawi ko yung kamay ko.

No, Vice. You can't do this to K. It's not fair.

Sabi ng isip ko. Napaungol na lang ako sa unan at sinubukan na lang matulog. After 100 na tupa eh nagsucceed na akong makatulog.

Nagising ako kinaumagahan sa maingay na ringtone ng phone ko. Sinagot ko yung habang nakapikit pa.

"Pogi, are you up? We will be meeting Liz at lunch today ha."

Si K yun. Napabukas ako agad ng mata at balikwas sa kama bago ko tinignan yung relo sa side table ko.

11:15am

"Shit! Yes. Babangon na. Maliligo na."

Nagmamadaling sabi ko. Narinig ko pang bumuntong hininga si K bago ko ibinababa yung linya at pumasok na sa CR.

Halos magkanda dapa dapa na ako sa kakamadaling bumaba ng hagdan. Nasa baba na din yung mga inuwi kong bisita at mukhang paalis na din.

"Oh? Aalis ka din? Sabay na kami."

Sabi ni Billy na halatang puyat na puyat pa. Nagmamadali kaming sumakay sa van. Nagpadrop off na lang ako sa restaurant kung saan kami magkikita ni K tapos pinahatid ko na lang yung iba sa driver ko.

"Sorry, late ako. Sorry talaga. Kanina pa ba kayo?"

Tanong ko kay K pagdating ko. Humalik muna ako sa cheeks niya bago umupo sa tabi niya. Andun na din si Liz.

"Kadarating lang din namin."

Sabi ni K na nakangiti pa saakin. Tumango naman ako at nakahinga ng maluwag.

"Ahm. I hope it's okay with you guys na isama na si Jaki? Kasi same venue ang titignan natin."

Sabi ni Liz. Nagsmile si K sakaniya at napakunot naman ako ng noo sa narinig. Ilang Jaki ba ang meron sa mundo? Di ba madami naman, baka kapangalan lang niya.

"Okay lang. We kinda know her. Friend siya nung isang dancer ng Showtime. Nameet namin last night."

Sabi ni K sabay tingin saakin na parang nangiinis or naiinis. Napakunot lalo ako ng noo na napansin ata ni Liz.

"Ako din kasi ang wedding planner nila ng finace niya."

Explain ni Liz saakin kasunod naman nun eh dumating na yung mga orders nila. Puro healthy things ang inorder nila. Ano ba yan. Napasimangot ako at napatingin saakin si K. She gave me a knowing look, nagsmile na lang ako at kumain ng vegetable salad and chicken breast na order niya para saakin.

"Saan ba yung venue?"

Tanong ko habang ngumunguya ng manok. Lumunok muna si Liz bago sumagot.

"Fernwoods Garden, if di niyo magustuhan...."

Sabi niya pero tinapos ko kaagad yung sasabihin niya.

"Ay, bet. Kurba? Tingin mo? Small lang yun eh di ba?"

Sabi ko sabay lingon sa katabi ko. Nagisip siya saglit bago tumango tango.

"Yes. Maganda din dun. Let's check then tsaka tayo magdecide."

Sabi niya saakin. Tumango lang ako bago ko binaba yung fork ko sa gilid ng plate ko. Hindi ko na kinaya talaga yung gulay gulay. Tinignan ni K yung plate ko at tinaasan ako ng isang kilay.

"Finish that, Pogi."

Malumanay pero authoritative yung tono. Napaabot ako kaagad sa tinidor ko at nagsimula ulit kumain.

"Hi, sorry nalate...."

Sabi ng humahangos na si Jaki. Napatigil ako habang nasa mid air yung fork ko na may lettuce at napatingin sakaniya. Nakasimpleng hoodie lang siya na white tapos short shorts at nakapusod ang buhok. Walang make up sa mukha pero ang ganda padin.

"Oh Jaki, sit. Kumain ka na ba?"

Nakangiting tanong ni K sakaniya sabay sulyap saakin. Dun ko lang dahan dahang sinubo yung kinakain ko. Umuposi Jaki sa tapat ko.

Bakit jan ka umupo!!

Inis na sabi ko sa sarili ko bago ako ngumuya. Napansin naman ni K na biglang nagshift yung mood ko dahil kinuha niya yung kamay ko sa ilalim ng table tapos tinignan lang ako habang tipid na nakangiti. Tumingin ako sakaniya. Wala ng iba pang kailangang sabihin. Ganun kami ka-connected kaya hindi ko maisip kung bakit pilit sumisiksik si Jaki sa isip ko.

"Can we go? Mauna na tayo."

Bulong ko kay K. Alam ko naman na naintindihan niya at ayaw niya lang magtaning dahil ayaw niya ng confirmation. Ayaw niya ng confrontation dahil baka ayaw niya din yung malalaman niya.

"Sure. Liz, we'll go ahead. We'll meet you there na lang."

Sabi ni K. Nagpatiuna akong tumayo bago ko inalalayan si K para makatayo. Hindi ko na nilingon ang mga kasama namin at derederetso na akong lumabas.

"Ako na magdadrive."

Prisinta ko nung makarating na kami sa kotse ni K sa parking. Tumango lang siya at inabot saakin yung key ng kotse. Pinagbuksan ko muna siya ng pinto bago sumakay at nagdrive.

"Pogi, okay ka lang? Bigla kang natahimik."

Tanong sakin ni K habang papunta kami sa Fernwood. Hinawakan pa niya yung kamay ko na nakapatong sa console box. Sinulyapan ko siya saglit bago umiling.

"I'm fine. Dahil lang to sa mga gulay kanina."

Biro ko sabay tawa. Nagsmile lang siya. Kung ibang babae siguro to madami pang follow up questions pero this is K. Kahit kelan hindi niya ako prinessure sa kahit ano. I gently squeezed her hand to assure her na kung ano man ang iniisip niya eh pwede na niyang kalimutan.

"I love you, Kurba."

Sabi ko sabay halik sa kamay niya. Hindi ko siya matignan dahil nagmamaneho ako pero alam kong ngumiti siya.

"Dapat lang, Pogi. Kung hindi, papatayin kita."

Biro niya. Natawa na lang ako.

"Kaya mahal kita eh. Kasi brutal ka."

Biro ko din. Papasok na kami nun sa driveway ng Fernwood. Nagpark ako just outside the chapel at bumaba. Pinagbuksan ko si K ng door tapos magkahawak kami ng kamay na pumasok sa loob ng chapel.

I won't let anything ruin this. I know what I have to do. Kailangan kong iwasan si Jaki at all cost.




I have to let her go.


I have to stop while I still can....

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon