His Side

372 15 10
                                    

Vice's POV

I went straight to the CR pag dating palang namin ng hotel. Naghubad ako at agad na tumapat sa shower at nagbabad sa mainit na tubig. Isinandal ko yung noo ko sa wall ng CR at pumikit habang nakatapat sa shower.

Si Jaki ang kasama ko pero si K nanaman ang nasa isip ko. Para akong bumalik sa unang araw na nagising ako na wala na yung asawa ko sa tabi ko. Para akong nalulunod nanaman sa nakaraan.

"Why!! Fuck."

Impit na sigaw ko sabay suntok sa pader ng CR. Hindi ko alam kunh umiiyak na ba ako o yung tubig lang ng shower yung nararamdaman ko sa mukha ko. Natapos akong nagshower after an hour ata at lumabas na ng CR na nakarobe lang.

Dumeretso ako sa kama ko at nagbukas ng maleta para kumuha ng damit. Napahinto ako nung dumako kay Jaki yung tingin ko. Naka-higa siya sa kama niya, hindi na nakapagpalit at mukhang tulog na. Nagbihis muna ako bago lumapit sakaniya. Umupo ako ss gilid ng kama niya at matamang pinagmasdan siya.

Hinaplos ko yung mukha niya at inayos yung buhok niya bago kinumutan.

"Sorry. Babawi ako."

Bulong ko bago ko siya hinalikan sa noo. Napansin kong napangiti siya, pero hindi naman gumalaw. Baka nananaginip. Napangiti ako.

"Dream of me."

Bulong ko ulit bago tumayo at lumipat sa kama ko. Nakatitig lang ako sa kisame habang iniisip yung babaeng nakita ko kanina. The very same girl na nakita namin ni Billy sa Fully Booked.

Mali to Vice. Si Karylle yung asawa mo at wala na siya. Si Jaki ang kasama mo, buhay siya at nakakaramdam ng sakit.

Sabi ko sa sarili ko sabay pikit ng madiin. Kinuha ko yung phone ko sa side table at tumayo mula sa kama. Sinulyapan ko muna si Jaki na mahimbing nang natutulog sa kabilang bed bago ako dahan dahang lumabas sa veranda.

I dialled a number and after a few rings ay sumagot na yung tinawagan ko.

"I need you to look for someone. I will send you the details now."

Sabi ko bago ko binaba yung tawag. Tumipa ako ng message sa phone ko at sinend yung sa number na tinawagan ko bago ako natulog.

Alam kong mali itong gagawin ko pero baka ito lang yung paraan para matahimik ako.

------------------

Jaki's POV

Gabi. Madilim ang paligid pero makulay ang langit. Puno ng musika ang paligid at may disney scenes na pinoproject sa castle na nasa gitna ng pathway. Napangiti ako lalo na nung napalingon ako sa lalakeng katabi ko.

Si Vice.

Naramdaman kong yumakap siya saakin mula sa likod ko at bumulong pero hindi ko naman narinig kung ano yung sinasabi niya. Nakaramdam ako ng kakaibang saya pero hindi ko alam kung anong dahilan. May maya pa ay pinakawalan na ako ni Vice at ihinarap niya ako sakaniya, lumuhod siya sa harap ko at may inilabas na kung ano mula sa bulsa niya.

Sing sing.

Nagbago bigla yung scene. Naglalakad ako papunta sa aisle ng maliit na simbahan at sa dulo nun ay naghihintay ang nakangiting si Vice. Nakapink siyang barong na nagpatawa saakin.

Papalapit ako ng papalapit sakaniya hanggang sa ilahad niya yung kamay niya saakin at kunin ko yun. Sabay kaming humarap sa dambana.

Nagising ako.

Napaupo ako sa kama at napabuntong hininga. Nilingon ko yung kabilang kama at napansin na tulog na din pala si Vice. I checked the time, 4am palang pero pakiramdam ko ang haba na ng itinulog ko. Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama ko pero hindi na ako makatulog. Pabaling baling ako sa kama habang iniisip yung babae sa airport.

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon