Stolen

293 15 11
                                    

Vice's POV

Gulong gulo yung utak ko sa nangyari kanina between Jaki at yung Dos na yun. Nakakabadtrip. Kung makatingin sa fiancee ko akala iba eh.

"Babe? Okay ka lang?"

Tanong ni Jaki saakin sabay tug ng braso ko. Napalingon ako sakaniya at napangiti. Naglalakad kami sa may beach habang magkahawak ang kamay. Hinalikan ko yung kamay niya bago sumagot.

"Yes. Bakit?"

Tanong ko. Sasagot na sana siya pero biglang nagring yung phone ko. Tinignan ko naman kung sino.

"Wait babe ha? Floor director eh."

Sabi ko sakaniya. Tumango naman siya kaya sinagot ko na.

"Now? Akala ko ba rest day kami today?"

Sabi ko nung sabihin sakin ng director namin na kailangan naming magrehearse dahil may nabago sa stage set up. Inis na inis akong nagbaba ng tawag bago ko nilingon si Jaki.

"Rehearsal daw. Badtrip. Sama ka?"

Tanong ko sakaniya. Nagsmile lang siya, halatang nainis din pero marahan na lang na umiling. Napakamot naman ako sa ulo ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

"Go na. Kaya ko naman sarili ko. Magpapahinga na lang din ako mamaya. Sige na."

Sabi niya saakin. Bumuntong hininga na langa ako bago ko siya niyakap at hinalikan sa ulo.
Inaglakad kami hanggang sa lobby ng hotel. Inabutan ko na dun ang team Vice na parang nabadtrip din sa nangyari.

"Paano babe? Mabilis lang naman daw eh. Okay ka lang dito?"

Tanong ko sakaniya na may kaunting pagaalala. Ngumiti lang siya bago tumango at humalik sa pisngi ko.

"Yes, babe. Okay lang ako. Sige na para maaga kayo matapos."

Sabi niya bago kumaway saamin. Labag man sa kalooban ko ay wala din naman talaga akong magagawa kundi pumunta.

Sumakay kami sa coaster papunta sa venue para magrehearse. Mabilis lang kami natapos pero may idea nanaman na pumasok sa utak ko kaya tinawag ko yung team Vice para ishare sakanila yun.

"Hala ka! Paano mo naman madadala lahat yun sa New York in 4 days?"

Gulat na gulat na tanong ni Buern saakin. I rolled my eyes at her bago humalukipkip.

"FYI, ako si Vice. Kaya ko lahat yan kahit 2 days. Tara na, magsisimula na tayo."

Sabi ko sakanila. Agad naman silang sumunod saakin pasakay sa coaster pero hindi kami sa hotel dumeretso. Dumaan muna kami sa cake shop para magpagawa ng cake tapos na kami nagproceed sa isang coffee shop para tawagan ang mga dapat tawagan at ireserve ang mga dapat ireserve.

"Nakahanap na kami nung pinapahanap mo. Ito oh. Check mo."

Sabi ni Buern saakin sabay abot saakin ng ipad. Tinignan ko naman yung picture sa screen bago ako tumango.

"Maganda nga to. Yung specification na lang ang problema natin."

Sabi ko bago humigop ng kape na lumamig na pala sa tagal na nasa ibabaw lang ng mesa. Tumayo muna ako at nag-inat bago ako napatingin sa labas. Nagulat ako nung makitang na papadilim na pala.

"Pack up muna. Padilim na oh, walang kasama si Jaki dun. Jusko po. Patay nanaman ako neto kay commander."

Nagmamadali kong pinagkukuha yung mga nasa ibabaw ng lamesa at tumulong naman agad saakin sina Buern. Punong puno ang mga braso namin na naglakad palabas ng shop na yun para sumakay sa coaster pabalik sa hotel.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now