Mr. Tadhana

343 18 78
                                    

Mr. T's POV

Kanina pa ako pabalik balik na naglalakad sa rooftop ng condo ni Ana. Hindi mawala sa isip ko si Jaki. Napakuyumos ako ng kamay sa inis dahil wala akong magawa para sakaniya.

"Hanggang ngayon ba naman wala pa din akong magawa para magging masaya ka."

Bulong ko sa sarili ko habang pabalik sa dulo ng rooftop.

"Huy! Anong inoorasyunan mo jan!"

Biglang sulpot si Alex sa harap ko. Hindi na ako nagulat dahil bago pa siya lumitaw eh naramdaman ko na yung aura niya. Bumuntong hininga ako bago ko inilabas mula sa bulsa ko yung pocket watch at tinignan yun.

"Halos wala ka nang oras ah. Anong plano mo?"

Tanong ni Alex saakin. Tumingin ako sakaniya at humalukipkip.

"Ikaw. May pakiusap ako sayo bago ako maubusan ng oras."

Sabi ko sakaniya bago ko sinabi yung pakiusap ko. Tumango naman siya at parang nagisip. Ibinigay ko sakaniya yung puting papel na biglang lumitaw sa bulsa ko nung isang araw bago ako umalis.

Dinala ko nanaman ang sarili ko kung nasaan si Jaki.

Nasa loob siya ng kwarto niya at nagaayos ng gamit sa maleta. Napangiti ako.

"Alam kong hindi mo na ako maaalala. Pero ikaw, hindi kita nakalimutan kahit isang araw."

Sabi ko sakaniya habang pinapanood siyang nagaayos ng mga gamit. Sinulyapan ko siya ulit bago ko inilabas yung pocket watch mula sa bulsa ko. 24 hours na lang.

Sinara ko yun at binalik sa bulsa ko bago ko hinagilap si Ana at Vice.

Nasa loob sila ng studio ng showtime at nagpapractice para sa prod nila bukas. Bukas din ilalaunch yung banda under Vice Records. Tumayo ako sa isang sulok at pinanood silang kumanta.

I snapped my fingers.

Nag tagpo yung mga tingin nila at bahagyan napangiti pareho.

Nagdekwatro ako habang pinapanood silang unti unting nagkakaroon ng koneksyon.

I snapped my fingers again at dahan dahang lumapit si Vice kay Ana habang binibigkas yung liriko ng kanta.

When I kiss you on the dance floor...

Pareho silang natigilan at nagkatitigan habang napahinto naman yung banda dahil nawala sila bigla.

Napakamot na lang si Gosh sabay tikhim kaya biglang naglayo yung dalawa. Napakamot naman ako ng ulo.

"Daot."

Inis na sabi ko. Bakit ba ang hirap nilang pagayusin eh. Sus naman. Paano nalang ako nito. Bumuntong hininga ako, mamaya na nga lang ulit.

----------------------
Vice's POV

Nakatayo ako sa labas ng studio. Katatapos namin magrehearse nila Ana pero nag break kami saglit. Nakasandal ako sa pader sa habang nakahalukipkip.

Muntik ko ng halikan si Ana kanina. Napailing iling ako.

"Okay ka lang ba? O gusto mo magpalit ng kanta?"

Nagulat ako nung biglang sumulpot si Ana sa tabi ko. Napaayos ako ng tayo.

"Kagulat ka naman. Multo ka ba."

Biro ko sabay tawa. Umiling lang siya bago ako tinignan ng seryoso at humalukipkip.

"You are a little jumpy. Ayos ka lang ba talaga?"

Tanong niya habang pinagmamasdan ako. Bigla akong naconcious sa pagtitig niya saakin.

"Okay lang ako. Nagaadjust lang siguro. Everytime I see you, para kong nakikita si K. Gusto kitang yakapin at halikan pero alam kong hindi ikaw siya."

PUSO Book 3: Huling YugtoOnde histórias criam vida. Descubra agora