Love Someone

323 15 27
                                    

Dos's POV

Titig na titig ako sa sarili kong repleksyon sa salamin ng CR ko. Sinipat ko yung sarili ko na parang kinikilala ko kung sino ba talaga ako. Yung lalakeng kaholding hands ni Jaki kanina, I'm sure siya yung fiance niya.

They look good together. Bagay na bagay sila.

"Kung ganun, bagay pala kami? Bagay na bagay pala kami."

Sabi ko sa sarili ko na nakatingin din saakin. Napangiti ako pero napawi din agad yun nung maalala ko yung lalakeng kasama niya. Hinimas ko yung chin ko na may manipis na stubble ng balbas, i opened the sink drawer at naglabas ng shaving cream at shaver. I latted cream over my chin and shaved my beloved beard.

"Sorry buddy. Love can make you do crazy stuffs."

Bulong ko habang nagsheshave. I washed my face after and looked at my reflection. I grinned.

"I'd like to see you again, twin brother. I just love that shocked look on your handsome face."

Pangisi ngisi kong sabi sa sarili ko habang hinihimas yung clean shaved ko ng chin. Alam ko from the moment I laid my eyes on him na siya yung kakambal ko. Call it gut feeling.

Nagshower ako saglit at nagpalit ng damit. I wore a simple Maui and Sons sleeveless shirt na kulay neon green at board shorts na itim. As usual my hair is unruly and wild, just like how I like it. I took my sunglasses and went back to the beach, nagbabakasakali na andun pa si Jaki.

Naikot ko na yung buong beach pero walang Jaki na sumulpot. Nilingon ko yung mga hotel na pinakamalapit sa lugar kung saan ko sila nakita at naisipan kong isaisahin yun, baka sakaling malaman ko kung saan sila naka-check in. I used my charm and of course my connection para gawin yun.

"Tsk. Kung kelan naman kasi paalis na ako tsaka ka naman susulpot. Jaki. Jaki. Jaki."

Bulong ko habang papasok sa last na hotel sa area na yun. Ngumiti yung nasa front desk. Halatang Pilipina din dahil bumati kaagad.

"Sir, Vice. May kailangan po ba kayo?"

Tanong niya saakin. Napakunot noo ako. Anong tinawag niya saakin? Vice? Magsasalita na sana ako nung maalala kong kamukha ko nga pala yung kasama ni Jaki kanina. Napangisi ako sa idea na pumasok sa isip ko.

"Wala naman. Ahhhm. I forgot my room number, hindi ko kasi mahanap yung girlfriend ko."

Sabi ko. Praying so hard na sana eh hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako. Ngumiti ulit siya bago nagtype sa computer at tumingin ulit saakin.

"Penthouse suit po kayo sir, kayo talaga palabiro eh. Ayun po si Ms. Jaki oh."

Sabi niya sabay turo. Sinundan ko ng tingin yung tinuturo niya. Kumabog yung puso ko sa loob ng dibdib ko at napangiti. Nakatayo siya sa may al fresco area ng restaurant at mukhang mag-isa.

"Thanks."

Sabi ko sa attendant bago nagmamadaling naglakad palapit kay Jaki pero napahinto ako nung ilang hakbang na lang ang layo ko sakanya.

Anong sasabihin ko sakaniya?

Tanong ko sa sarili ko sabay kagat sa ibabang labi ko. Tumalikod ako at nagisip muna ng pwedeng sabihin.

"C'mon man, magsasalita ka lang. Go ahead."

Kumbinsi ko sa sarili ko bago ulit humarap kay Jaki pero wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. Luminga linga ako sa paligid para hanapin siya pero hindi ko na talaga siya makita. Tumayo ako sa mismong kinatatayuan niya kanina at namewang habang palinga linga pa din.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now