Like We Used To

329 21 50
                                    

Unknown POV

Standing on the warm sand while my eyes are closed habang pinapakiramdaman bawat sensasyon na dulot ng mainit na hangin sa balat ko.

Ang sarap makaramdam ulit.

I opened my eyes at bumungad saakin ang malawak na karagatan na kumikinang sa sikat ng araw. Huminga ako ng malalim para amuyin yung salty air sa paligid ko.

"This. Is. Life."

Bulong ko sa sarili ko bago patakbong nagtampisaw sa dagat. Ang sarap mabuhay ulit. Ang sarap makaramdam ulit.

"Isa na lang ang kulang. Hindi pa kita nahahanap. Sa lahat ng alaala mo sa isip ko, bakit ipinagkait pa saakin kung nasan ka?"

Sabi ko habang nagfofloating at nakapikit dahil nakakasilaw yung araw.

"I remember a face but I can't find a name. I remember everything and nothing at the same time."

Nakakafrustrate. Inilubog ko ang sarili ko sa dagat bago nagbukas ng mga mata. Mahapdi sa mata yung salt water pero ayaw kong magsara ng mata dahil gusto kong makita yung ganda ng ilalim ng dagat.

Napangiti ako.

Minsan kahit masakit ginagawa natin dahil may magandang kapalit. I can hold my breath for a minute bago ako lumangoy paahon para huminga.

Lumitaw sa paningin ko yung bahay ko na nasa cliffside. It was made of glass at nagrereflect dun yung kulay ng dagat. I love it here in Malibu but somehow, I feel disconnected. Parang may mali. May hinahanap ako na wala dito.

-------------
Vice's POV

Masayang masaya ako dahil bumalik na si Jaki kahit na alam kong madami pa kaming kailangang ayusin, masaya pa din ako na andito siya kesa sa wala siya.

"I missed her. Grabe."

Sabi ko habang nakaupo sa harap ng vanity mirror sa DR namin at nagaayos ng buhok. Maaga akong dumating kanina para sa rehearsal namin ng prod pero hindi lang pala yung ang madadatnan ko.

"Halata nga eh. Mga 100 times mo nang sinabi."

Sabi ni Vhong habang nagcecellphone at nakaupo sa katabi kong vanity chair. Natawa naman ako. Kasalanan ko ba kung I'm feeling so giddy?

"Masaya lang kasi ako talaga. Iba talaga yung saya na naibibigay saakin ni Jaki eh. Inggitero ka talaga."

Sabi ko bago humarap sakaniya. Kinalabit ko siya kaya napatingin siya saakin habang nakakunot ang noo.

"Bakit nanaman?"

Tanong niya na kunwari ay naiinis na saakin. Umayos ako ng upo at inayos yung damit ko.

"Gwapo na ba ako?"

Tanong ko. Napakurapkurap siya bago humagalpak ng tawa. Napa-simangot naman ako.

"Lakas ng tawa. Tawang tawa?"

Sabi ko bago humarap ulit sa salamin. Dapat maayos talaga ako today lalo na at ngayon lang ulit kami nagkita ni Jaki my labs. Napangiti ako.

"Bays, kahit ano naman isuot mo, crush ka nun ni Jaki kaya wag mo na akong idamay jan. Balakajan."

Sabi niya sabay iiling iling na bumaling ulit sa cellphone niya. Inirapan ko nalang siya.

"Teka, teka. Bago ang lahat, paano mo to ieexplain sakaniya?"

Tanong niya saakin sabay pakita saakin ng letrato sa screem ng phone niya. Nanlamig ako at biglang kinabahan sa nakita ko dun. Yun yung gabi na lumabas kami ni Ana at nag-ice cream at nag....

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now