Daylight In November

332 12 3
                                    

Jaki's POV

Nanginginig ang mga daliring nagtype ako ng message para kay Vice habang nakaupo ako sa sofa sa loob ng DR namin. Magisa ko na lang nun dahil tinawag na yung mga dancers sa labas. Sinabihan ko na lang si Madc na sabihin kay direk na biglang sumama ang pakiramdam ko.

To Vice:

I think kailangan muna natin ng space. Kailangan muna nating huminga kasi parang sakal na sakal ka na sa relasyong to. Binibigyan kita ng oras para isipin kung gusto mo pa ba o hindi na. I love you, Vice at ayokong matali ka sa isang bagay na hindi ka na masaya.

Tumutulo ang mga luha mula sa mga mata ko habang tumitipa ako sa keyboard ng cellphone ko. Parang pinipiga yung puso ko sa loob nh dibdib ko dahilan para mahirapan akong huminga. Impit akong umiyak habang naka-curl up sa sofa na parang bata.

"Hindi ko kaya. Hindi ko kaya, Vice."

Paulit ulit kong bulong sa sarili ko habang umiiyak. Buong oras na andun ako sa loob ng DR ay umaasa ako nabigla siyang papasok at patatahanin ako at sasabihin saakin na mahal niya ako at ako lang. Pero nakatulog na ako at lahat ay walang Vice na pumasok sa DR.

"Jaki? Bebe, gising na. Tara na."

Mahinang bulong ni Madc saakin habang hinahaplos yung braso ko. Nagbukas ako ng mata at mejo nahirapang gawin yun dahil namamaga sa kakaiyak yung mga mata ko. Inalalayan ako ni Madc na makaupo bago tahimik na niyakap lang.

"Tara na. Anong oras na ba?"

Mahinang tanong ko. Tumingin siya sa relo niya bago sumagot.

"8pm na. Kakatapos namin nagrehearse. Sinabi ko nalang na may sakit ka."

Sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya at agad kong kinuha yung phone ko para icheck kung nagtext si Vice pero disappointed kong binalik yun sa bag ko. Wala kahit 'okay' manlang na reply mula sakaniya. Nagsimula nanamang pumatak yung mga luha ko kaya tumayo na ako.

"Kaya ko to. Nakaya ko noon. Kaya ko din ngayon."

Sabi ko mas para sa sarili ko kesa kay Madc. Bumuntong hininga siya bago tumayo at kinuha yung mga gamit niya. Tahimik kaming naglakad hanggang sa parking kung saan andun yung kotse ko.

Si Madc na ang pinagdrive ko dahil parang bigla akong nawalan ng gana at lakas para sa kahit ano.

"Gutom ka ba? Kain muna tayo. Wala ka pang kinain mula kanina."

Nagaalalang sabi ni Madc habang nagmamaneho. Tumingin ako sakaniya at pinilit kong ngumiti bago ako tumango. Alam ko sa sarili ko na wala akong ganang kumain pero alam ko din na hindi ako titigilan ni Madc hanggat hindi ako pumapayag na kumain. Huminto siya sa tapat ng paborito naking kainan.

Dati pag masama ang loob ko or naiinis ako or malungkot ako, dito lang ako pumupunta tapos nagging okay na ako, pero bakit ngayon? Bakit ngayon kahit kaunti hindi ako nagging okay.

"Ano bang nangyari kasi, bes? Inaway ka ba niya?"

Tanong ni Madc saakin habang kumakain kami. Napatingin lang ako sa plato at napaabot ng baso ng tubig. Uminom muna ako mula dun bago sumagot.

"Kanina nung prod, nakita ko kung paano niya titigan yung vocalist ng banda. Nakita ko kung paanong parang bigla siyang nalungkot. Kitang kita ko sakaniya na namimiss niya si Ate K. Ang sakit lang, Madc."

Sabi ko habang I'm trying not to cry dahil sa totoo lang pagod na akong umiyak. Natahimik saglit si Madc bago sumagot.

"Bebe, hindi ko kinakampihan si kuya Vice, pero nakita mo naman yung vocalist kanina. Kamukhang kamukha ni ate K. Hindi ko siya masisisi. Pero ibig bang sabihin nun hindi ka niya mahal?"

PUSO Book 3: Huling YugtoTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang