One Regret

345 20 29
                                    

Jaki's POV

3 weeks.

Hindi ako nagkukulang sa pagbibilang ng araw, oras at minuto na wala si Vice sa buhay ko. Nakahiga na ako sa kama ko pero hindi pa ako makatulog. Binalikan ko yung DM ni Madc at binasa ulit.

Okay pa din naman siya. Huminto na kakatanong kung asan ka. Kelan ka ba babalik? Alam mo bang magpproduce ng album si Vice? At alam mo ba kung sino ang artist? Tama ka! Sponge Cola. Nakakaloka talaga.

Napapikit ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko skaniya. Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko naman masagot sagot. Iisang tao lang ang makakasagot pero hindi ko naman magawang kausapin.

"Tanga tanga mo kasi Jaki. Sa ginawa mo para mo na siyang pinamigay eh."

Sabi ko sa sarili ko. Nagbukas ako ng mata at tumitig sa kisame bago umupo sa kama at kinuha ulit yung phone ko at nagbrowse. Totoo nga. Trending pa ngayon sa lahat ng social media platforms yung pagpproduce ni Vice ng album.

May pinong kurot akong naramdaman sa puso ko nung makita yung picture niya kasama yung banda. Magkatabi sila nung vocalist na nakatingin sakaniya habang nakangiti.

Parang kulang pa yung sakit na nararamdaman ko kaya nagbasa pa talaga ako ng comments. Galing din talaga Jaki, pambansang masokista.

Parang ViceRylle ulit. OMG! 😱😱

Hala! Totoo ba to!? Nagmumulto ba ang nanay natin mga sibs? 😲😲

Grabe, iba talaga. Bagay na bagay talaga sila. Hala. Ang creepy ba? ViceRylle pa din naiisip ko dito. 😯😯

Huminto na ako sa pangatlong comment at huminga muna ng malalim bago nagbasa ulit ng article. May video sila na kumakanta sa isang bar?

Plinay ko. Hindi ako makahinga sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Yung mga tingin nung babae kay Vice habang kumakanta sila at yung mga palihim na sulyap ni Vice dun sa babae. Ang sakit.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hindi ko na tinapos yung video, nagclose na ako ng tabs at tahimik na umiyak. Kailangan ko ng makakausap. Isang tao ang nagpop sa isip ko.

"Gregory! Gising ka pa ba?"

Sabi ko pagkasagot pa lang niya sa tawag ko. I heard him groan a little tanda na nagising ko siya.

"Nope. Yep. I mean. Oo gising na."

Mejo husky ang boses na sabi niya na halatang kagigising lang. Nakagat ko naman yung labi ko. Nakakahiya pero wala naman kasi akong ibang makausap lately kundi tong ingliserong lalakeng to.

"Are you okay? And why are you still gising? 2am na."

Sabi niya bago naghikab. Bumuntong hininga ako bago nagkwento sakaniya. Tahimik lang siyang nakikinig at 'uhuh' lang ang sinasabi.

"So what? I mean, yeah okay magpproduce siya. Big deal? Ibig ba sabihin nun eh sila na or in love na siya? Jaki, if you want amswers, ask him."

Sabi niya na mejo may halong inis. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko. Tama naman di ba?

"Tama ka naman. Pero hindi pa ako ready na harapin siya. After I left him just like that, for sure galit siya saakin."

Naiiyak na sabi ko sakaniya. Bumuntong hininga siya pero hindi sumagot. Narinig kong parang nagaayos siya.

"You know what! Malamig sa labas but then again malapit lang ang house mo. I'll be there in like 5 minutes."

Sabi niya. Napatayo ako sa pagkakaupo ko sa bed. Seryoso ba siya?

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now