Intrigues

453 21 1
                                    

Vice's POV

Parang wildfire na kumalat sa social media ang mga pictures namin ni Jaki sa Tagaytay escapade namin.

Lalo na yung mga candid shots na magkahawak kamay kami habang kumakain ng ice cream. I checked the response, masaya naman mostly yung mga tao except sa iba na pilit dinadrag yung name ni K.

"Tss. Kung makapagsalita naman mga to akala mo kilala nila yung asawa ko."

Iiling iling kong sabi bago ko binaba yung phone ko sa lamisita sa may garden. Nakauwi na ako sa bahay pagkatapos kong ihatid si Jaki sa condo nila. Napangiti ako nung maalala ko yung sa ferris wheel at parang teenager akong tumalon talon pa.

Dinial ko yung number ni Vhong para humingin ng refresher sa panliligaw dahil wala naman talaga akong alam sa panliligaw ng babae.

"Brad! Asan ka? Libre ka ba ngayon? Puntahan mo nga ako dito sa bahay. Emergency."

Sabi ko sakaniya. Mejo maingay ang background niya parang nagdadrive siya base na din sa ingay ng mga busina.

"Ha? Bakit?? Anong nangyari? Sige papunta na ako jan. Basta maghanda ka ng iinumin natin ha."

Sabi niya. Natawa nalang ako. Karapatdapat talagang bigyan ng award tong kaibigan kong to. Inihanda ko yung paborito niyang whiskey sa table tapos isang bucket na yelo at nagluto din ako ng pulutan. Mabuti nalang talaga at pinilit ni K na turuan akong magluto dahil wala kaming kasambahay.

"Bays!! Anong emergency!?"

Muntik ko nang mahulog yung isang buong serving ng adobo na niluto ko dahil sa biglang pagsulpot ni Vhong. Inilapag ko muna yun sa lamesita sa may garden bago ko siya hinarap.

"Ano ba naman! Siraulong to. Muntik na masayang yung niluto ko. Hay. Upo!"

Biro ko sakaniya. Agad naman siyang umupo sa isang bakanteng upuan at agad ding kumuha ng baso at naglagay dun ng yelo.

"Operation ligaw, tol."

Sabi ko sakaniya. Napahinto siya sa pagbubuhos ng alak sa baso at napatingin saakin. Isang ngiti ang unti unting nabuo sa mga labi niya.

"Talaga!! Sawakas kuys! Sino naman?"

Tanong niya saakin habang binbaba yung bote sa table. Ako naman ang nagbuhos ng alak sa baso bago sumagot. Ngumiti ako.

"May iba pa ba? Si Jaki."

Sabi ko bago uminom ng kaunting alak. Tinaasan niya ako ng kilay bago uminom din.

"Sure ka? Parang ambilis ng shifting mo ah. Nung kelan lang galit ka sakaniya tapos ngayon oplan ligaw ka. Baka naman gagatihan mo lang?"

Seryosong sabi niya saakin. Sumeryoso din ako at umiling. Kahit naman nung galit na galit ako sakaniya hindi pumasok sa isip ko na gantihan siya.

"Hindi. Seryoso to Ferdinand. Gusto ko talaga siya, di ba dati pa naman? Nagpaalam na ako sa asawa ko at mukhang payag naman siya."

Sabi ko sabay ngumiti at uminom ng alak. He looked at me as if considering what I said for a moment bago kumuha ng tinidor at tumusok ng adobo.

"Okay. Alam mo ba kung anong favorite flower ni Jaki? Anong favorite food niya?"

Simula niya. Napakunot naman ako ng noo dahil nung magkasama kami kanina eh hindi ko naman natanong yung mga ganung tanong. Umiling na lang ako at nakakunot noo pa ding nagisip.

"Fine. Simulan nalang natin sa Stargazers?"

Sabi ni Vhong. Pinandilatan ko siya ng mata at uminom ng alak.

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon