Changes

419 18 5
                                    

Vice's POV

Literal na para akong lumilipad sa bilis ng patakbo ko ng motor ko. I love the adrenalin na nagpapump sa buokong katawan. Bigla akong pumreno nung papasok na ako ng studio entrance at nagpark. Agad akong bumaba mula sa motor ko at prenteng nagalis ng helmet at pumasok sa studio.

Late nanaman ako as usual and I don't really care. I stopped caring a year ago.

"Vice! Late ka nanaman!"

Bungad ni direk saakin. Kunwari hindi ko narinig at nagalis ako ng earphone at prenteng tumingin sakaniya bago sumagot.

"Ha? Sorry. Bihis na ako."

Walang gana kong sabi sakaniya bago derederetsong naglakad papunta sa DR ko pero sinundan niya ako hanggang dun at pabagsak na sinara ang pinto.

"Vice, isang taon na! Please! Nung mga naunang buwan inintindi kita. Pero please! May trabaho ka pa, buhay ka pa!"

Galit na galit na sabi niya saakin. Lumapit ako sakaniya and squared my shoulder.

"Then fire me."

Hamon ko sakaniya. Nakita ko kung paano siya namula sa galit pero hindi niya ako sinigawan. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Lahat tayo nasaktan nung nawala siya, Vice. Pero ikaw, tumigil kang mabuhay. Buhay ka pa, Vice. Hindi ito ang gusto ni K para sayo."

Malumanay na sabi niya saakin kahit namumula siya galit saakin. I smirked. Sobrang dali sakaniya para sabihin yun. Wala siyang alam.

"Ginagawa ko ang trabaho ko pag nasa harap ako ng camera. Pinilit mo nga akong makipaglandian sa dancer na yun on cam di ba? Kahit wala pang isang taon na patay yung asawa ko. Pero may narinig ka ba saakin? Wala."

Pinilit kong pigilan ang sarili ko na wag sumigaw pero nanginginig ang buong katawan ko. Nakita kong napaatras si direk at parang nashock at naguilty sa sinabi ko. I smirked again.

"Hanggang si Vice ako oncam, isa lang ang gusto ko, pabayaan mo ako offcam."

Sabi ko sabay talikod sakaniya. Hindi na siya nagsalita pa at lumabas na lang. Padabog kong inalis yung leather jacket ko at tshirt bago kumuha ng loose na kulay itim na supreme shirt. Inayos ko lang kaunti yung buhok ko at nagapply ng kaunting lipstick. Wala na akong stylist, wala akong kaibigan at wala na akong pakealam.

Nag-internalize muna ako bago lumabas ng DR. Balik maskara ako kaya naman pagharap ko sa madlang pipol eh hyped na hyped ako. Saktong sakto naman na Ms. Q and A segment na.

"Oh eto na pala yung hinahanap natin kanina pa eh. Vice!"

Intro pa ni Vhong saakin bago ako umakyat sa stage at sumigaw.

"Whatzzup madlang pipol!!"

Sigaw ko kasunod ng music ni MOD. Naghiyawan naman ang mga taona mukhang kanina pa gloomy. Pilit kong pinasaya ang mukha ko at ang mga galaw ko para sakanila. All for the show.

"At dahil OT nanaman, magtanungan na tayo, pasok na, Ate Girl!"

Tawag ni Anne. Alam na alam ko na ang kasunod nun. Papasok si Jaki, iikot sa harap ko, bubunot yung contestant ng tanong tapos haharutin ko siya. Araw araw ganito kami.

"Jaki!"

Tawag ko sakaniya nung tumalikod na siya pabalik sa upuan niya malapit sa studio audience. Lumingon siya saakin at ngumiti, pinilit kong ngumiti din sakaniya na kunwari eh wala akong nararamdamang poot para sakaniya.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now