Reality

294 15 8
                                    

"The clock always ticks. There are times you don't hear it, and there are times that you do."

Vice's POV

Magkatabi kami ni Jaki sa loob ng van ko ngayon at magkahawak ng kamay. It's been a week mula nung kinasal kami sa New York. Nilingon ko yung asawa ko na nakapatong ang ulo sa balikat ko at natutulog bago ko hinalikan yung ulo niya.

Asawa.

Ang sarap sa pandinig. Biglaan ang lahat kaya naman wala pa kaming naiset na date for our honeymoon and to be frank, masyado kaming pagod pareho to even think about it.

Nagising ako mula sa pagmumuni muni ko nung biglang magring yung phone ko sa bulsa ng pantalon ko. Dahan dahan ko yung hinugot para hindi magising si Jaki.

Si Nanay Rosario pala. Papunta kami ngayon sa La Union dahil sabi ni Nanay ay meron daw siyang mahalagang sasabihin saaming magkakapatid at gusto niyang andun kami lahat.

"Hello, Nay? On the way na po kami ni Jaki."

Sabi ko kaagad sakaniya, dahil alam ko naman na magtatanong lang siya kung nasaan na kami. Tila balisa ang boses niya kaya napakunot noo ako.

"Nay, ayos lang ba kayo? May diramdam ba kayo?"

Kinakabahan kong tanong sakaniya. Tumawa lang siya kaunti bago sumagot.

"Anak, wala. Oh siya sige, aantayin ko na lang kayo. Magluluto muna ako."

Nagmamadali niyang sabi bago binaba ang tawag. Buong biyahe akong napapaisip kung ano ba yung kailangan niyang sabihin at nagpatawag siya ng biglaang family meeting at talagang umuwi pa sila mula sa US para dito.

Hindi ako nakatulog buong byahe kakaisip. Mejo madilim na nung makarating kami ng La Union. Papasok na kami sa private drive way ng bahay namin nung maalimpungatan si Jaki. Natawa ako dahil sobrang sarap ng tulog niya ngayon lang nagising.

"Good morning sleeping beauty."

Biro ko sakaniya sabay halik sa noo niya. Ngumiti siya bago humalik ng mabilis sa mga labi ko at nagsalita.

"Andito na tayo?"

Sabi niya. Tumango lang ako at pabirong pinaypay yung kamay ko sa tapat ng ilong ko. Sabay pabirong ngumiwi.

"Babe, amoy bagang ah."

Biro ko sakaniya. Namula naman siya bigla at napayuko bago ako kinurot sa tagiliran na nagpatawa saakin. Niyakap ko siya at binulungan.

"Okay lang yan. Love pa din naman kita. I love you."

Sabi ko. Naramdaman kong napangiti siya bago lumayo saakin at sumagot.

"I love you too."

Sabi niya. Sakto namang nakarating na kami sa harap ng malaking bahay namin. Nasa taas yung ng bundok kaya kitang kita mo yung dagat mula doon. May gazebo sa bandang kaliwa malapit sa cliff at pag tumayo ka sa gitna nun ay makikita mo na yung beach side.

Inalalayan ko si Jaki na makababa kasunod ng paglabas ni Nanay mula sa loob ng bahay.

"Mga anak, andito na pala kayo. Halina sa loob at nang makakain na tayo. May ipapakilala ako sainyo."

Sabi ni nanay na alangang nakangiti saamin bago humalik sa mga pisngi namin. Hinawakan ko ang kamay ni Jaki bago kami sumunod kay nanay papasok ng bahay. May kung anong kaba akong nararamdaman na para bang may mangyayaring hindi maganda sa gabing to.

Inalis ko yun sa isip ko at pinilit na magging positive. Huminto si nanay sa hallway na papasok sa dining area at humarap muna saamin.

"Jaki, pwede ko bang makausap saglit ng sarilinan ang anak ko? Mauna ka na iha."

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now