The Void

309 14 10
                                    

Dos's POV

That was the most uncomfortable dinner that I have ever been to. Parang nung isang araw lang nasa Amsterdam ako tapos nasa US na ako at kaharap na yung nanay ko. Tapos ngayon?

"Haaayyy. Salamat naman at tapos na."

Sabi ko habang naglalakad sa gilid ng dagat. Si nanay, she offered me to sleep sa bahay nila pero I refused. I just can't take it. Ang hirap na kaharap yung long lost brother mo na asawa na ngayon ng babaeng mahal mo.

I kicked my shoes off at dinama yung buhangin sa ilalim ng mga paa ko. It felt so good.

"Dos, can we talk?"

Napalingon ako sa lalakeng nakatayo sa likod ko. Nakasuot siya ng puting sleeveless shirt at itim na casual shorts. Nakapamulsa siya at seryosong nakatingin saakin. Hindi pa din ako kumportable na tinitignan siya. I started growing my beard again to somehow create a difference.

Naglakad siya palapit saakin at tumayo sa tabi ko at sabay kaming tumingin sa madilim na horizon.

"Sure."

Sabi ko sabay kibit balikat. Huminga ako ng malalim. Whatever it is that he wants to tell me, I really don't care.

"Hindi ako bulag. I can see that you have a thing for my wife. Isang beses ko lang to sasabihin sayo, Dos. Stay away from her. Please."

Sbai niya. Hindi ko siya nilingon but I took a note of the desperation in his voice. Napakuyumos ako ng kamao. Galit ako sakaniya pero puchang lukso ng dugo ito. Pumikit ako at huminga ng malalim bago ko siya nilingon. Pinatong ko yung kamay ko sa balikat niya. I saw how clueless he is but then I smiled.

"I will not lie. I like her. There are other things that I know, that you might not want to tell her."

Sabi ko sakaniya. Nakita kong namutla siya bago napalitan yun ng galit. Tinabig niya yung kamay ko na nasa balikat niya bago ako kinuwelyuhan. Imbes na matakot ay ngumisi lang ako at tumawa in his frustrated face.

"Damn it, Dos!! Pag hindi mo kami tinigilan ni Jaki, I swear to you magging Uno ka! Uno sa listahan ng mga ipapatumba ko!"

Galit na galit na sabi niya saakin habang gigil na gigil pa din na nakahawak sa kwelyo ko. Inalis ko yung kamay niya sa damit ko at nakangising inayos yung damit ko.

"Threats. Wag mong hintaying ako naman ang magsimula sa mga pananakot because you will shit bricks!"

Mejo kalmado ko pang sabi sakaniya. He looked at me in disbelief bago namewang at umiiling iling.

"I know your secrets, Vice, but I will not be the one to break her heart. I will let you do that."

Sabi ko sabay tawa at talikod. Maglalakad na sana ako palayo pero hinila ako pabalik ni Vice and before I know it, nasapak na niya ako. Mejo na out balance ako ng kaunti because I was caught off guard. I touched my cracked lip and just laughed.

"Ohhhh! Fiesty are we?"

Sabi ko sakaniya. Naturally, I would have punched the guy in the face and maybe do a little more damage than a cracked lip but I let it slip. Huminto ako sa kakatawa bago tumingin ng deretso sa mata niya.

"You have my word, wala akong gagawin para agawin si Jaki sayo. She is just so fragile and I don't want to hurt her, if you make her happy then so be it. Pero... Pero!"

Sabi ko sabay turo sakaniya without breaking eye contact.

"Pag pinaiyak mo siya, kahit minsan lang. I will do everything in my power to take her away from you lying sorry ass."

PUSO Book 3: Huling YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon