Sana

299 9 32
                                    

Vice's POV

Nagmamadali akong umalis papunta sa ospital kung nasaan si Ana dahil kinakabahan talaga ako at nagaalala. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at basta na lang ako umalis ng walang maayos na explanation na iniwan kay Jaki.

Basta tinawagan ko na lang siya para sabihin na may emergency akong pupuntahan, dahil ano naman ang sasabihin ko? Muntik na nakunan yung babaeng nabuntis ko?

"Thanks for coming. Sorry, hindi ko alam na kasama mo pala family mo."

Mejo naguiguilty na sabi ni Ana saakin pagdating ko sa ospital. I waved at her dismissively bago binaba yung mga dala kong pagkain sa maliit na lamesa sa tabi ng bed niya.

"Anong nangyari? Kamusta daw yung baby?"

Kinakabahang tanong ko sakaniya bago umupo sa tabi niya at nagbalat ng orange para ibigay sakaniya. She smiled weakly.

"Okay naman na mejo mahina lang daw ang kapit. Pero binigyan na ako ng OB ko ng gamot."

Sagot niya. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Inabot ko sakaniya yung prutas at pinanood siyang kumain.

"Sorry, Ana. Napakaselfish ng ginagawa ko."

Sabi ko bago yumuko. Hindi ko alam kung gaano ko pa katagal kayang gawin to pero isa lang ang alam ko, sa huli, kailangan ko din mamili at sa huli si Jaki pa din ang pipiliin ko. Sana si Jaki pa din. Ngumiti si Ana saakin at umiling.

"No. Hindi ka selfish dahil kung selfish ka sinabi mo na saakin na ipalaglag to."

Sabi niya. Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya at umiling.

"Hindi kasalanan to ng baby. I would never say that."

I said bago ko hinawakan yung kamay niya. She gripped my hand hard while smiling at me. I am hating myself even more dahil pareho ko silang nasasaktan. Both Ana and Jaki at in the long run yung anak ko.

"About the album ng band? Wag na muna natin ituloy or irelease na muna kung ano ang natapos."

Sabi ko sakaniya. Sinabi niya na may 10 palang silang kanta na nagawa at nairecord and I told her na enough na yun. Nagkwentuhan kami para mawala sa isip niya yung stress.

"Lalabas muna ako ha, bibili ako ng food. May gusto ka ba?"

Tanong ko sakaniya after ilang oras naming nagkwekwentuha. Umiling siya kaya naglakad na ako palabas ng pintuan.

Walang nakapaghanda saakin sa mga sumunod na nangyari. Akala ko panaginip lang na nasa harap ko si Jaki.

"This is the emergency!?? Ito yung dahilan kung bakit bigla mo akong iniwan!!?"

Galit na galit na sabi ni Jaki. Dumadagundong ka kaba yung puso ko. The inevitable has come and I can't even talk. Nakita ko si Dos na parang may sasabihin peeo sinenyasan ko siya na wag na. This is my fault and I will not let anyway take the fall for me. Binalingan siya ni Jaki at galit na tinanong.

"At ikaw! Anong alam mo!? Nagtanong ako sayo Vinny! Did you lie to me!?"

She said. Napalunok ito. Nagtaka ako sa pangalan na itinawag niya dito. Vinny? Baka yun yung pinangalan sakaniya ng mga umampon sakaniya.

"Wala siyang kinalaman dito Jaki. Ako ang mageexplain sayo, halika na. Please."

Sabi ko. Tinignan ako ni Jaki bago binalingan ulit ng tingin si Dos.

"We will talk."

Sabi niya sabay lakad palayo. Hinila ako ni Dos. Tinignan ko siya. I am feeling defeated right now. Pero kailangan kong harapin ito.

PUSO Book 3: Huling YugtoWhere stories live. Discover now