Chapter 2: Enroll

318 19 3
                                    

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.




Harmony's PoV

Nandito ako ngayon sa condo unit ko. Binibilang lahat ng naipon kong pera. Kahit kasi alam kong madami kaming pera. Hindi ko talaga mapigilang mag-ipon. 

Hay.. Kulang pa to sa isang buwan..

Magpa-part time job na lang ako.

Lumabas agad ako sa condo unit ko para maghanap ng work. Buti malapit lang yung syudad mula rito. 

Hays... Nakalibot na ako ng almost 20 stores pero wala parin ako nahahanap. -______-

"Kailangan mo ba ng trabaho?" Biglang tanong ng isang babae.

"Opo eh. May alam ka po bang pwedeng mapasukan?" 

"Sakto! naghahanap ako ng isang florist!"

"Talaga po?!" Yes! sana matanggap ako!

"Halika sumama ka sakin." Hindi pa ako pumapayag ay bigla niya akong hinila.

Wow! Ang cute naman ng flower shop niya. Pink roses yung theme ng store niya. Tsaka modern design yung pagkakagawa. Pumasok kami sa loob at na amaze ako sa nakita ko. Parang isang resto yung size ng store. At punong puno ito ng mga flowers na kumikinang. 

Wow talaga...

"Rose Miguel nga pala ang pangalan ko. I'm 22 years old. Ang wait... Maganda ba yung pagkakadesign?" Tanong niya.

"Ah Opo! Parang nasa flower garden nga ako eh. Ako naman po si Harmony Laveu." 

Kaya pala rose yung theme kasi rose din yung pangalan. At infairness ang bait niya ha.

"Salamat Harmony. Favorite ko kasi ang pagtatanim ng mga bulaklak. At parang passion ko na rin. That's why I take care of them with all of my heart. Actually hindi ko naman talaga kailangan ng pera para magtinda ng mga bulaklak. I just want everyone see that flowers make our lives better."

Nakikita ko talaga sa mga mata niya na mahal na mahal niya ang mga bulaklak. Buti pa siya alam niya kung ano ang gusto niya sa buhay.

"Oh ano? Gusto mo bang maging florist?" Tanong niya sakin.

"O-opo gusto ko!" Okey na to.

"Salamat. Naghintay talaga ako ng tamang babae na magtitinda ng mga flowers ko. At ikaw iyon. Bukod sa mukhang mabait ka tsaka matalino, maganda ka pa." 

"Thank you po Maam.." Tsaka ko siya yinakap. I just want to hug her.

"Sige pwede ka nang magsimula mamayang hapon. Pupunta pa kasi ako sa flower garden ko para magharvest." Mukhang masaya talaga siya sa lifestyle niya.

"Sige po salamat." Umalis na ako at pumunta na muna ako sa unit ko para makapag-prepare.

Pagdating ko na ay kumain na ako bigla. Nagutom ako kanina eh. Pagkatapos kong kumain ay nagbihis na ako ng damit. Habang nagbibihis ako ay bigla akong napatigil..

St. Marie Academy (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora