Chapter 55: Maureen Tenoji

76 7 0
                                    

Maureen's PoV

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Maureen's PoV

"So, what do you want?" Tanong ko habang naka dekwatro.

Andito kami ngayon sa office ko. At bilang SSG president, handa kong paglingkuran ang mga studyanteng nangangailangan ng tulong ko.

"I want to... see the past." Buntong hininga nyang sagot.

Nagulat ako sa sinabi nya dahil ang inaakala ko lamang ay mga academic issues lang ang problema nya.

"The past... is not what it seems, Harmony." Seryoso kong sabi.

"Pero, kailangan kong malaman ang katotohanan dahil iyon lang ang tanging paraan para mabuhay ang kaibigan ko." Sagot nya.

"Maghanap ka na lang ng ibang tutulong sayo. I'm sorry." Sabi ko tsaka na ako tumayo.

"Please! Ikaw na lang Ms. Maureen ang inaasahan kong tutulong sakin---."
"You don't understand!" Di ko tuloy mapigilang sumigaw.

Gusto ko syang tulungan pero... Hindi ko na kaya...

"I'm sorry but... I cannot use my powers anymore..." Sagot ko tsaka na ako umalis.





***





Natapos na lahat ng klase ko kaya umuwi na ako sa dorm ko at umupo sa sofa. May dorm ako dito sa loob ng St. Marie dahil ako ang SSG President. Ganon din ang mga SSG members ko.

Isa lang itong maliit na building sa likod ng library pero gawa din ito sa white marble at napapaligiran ng mga halaman sa paligid.

Pagpasok ko ay agad ko nang ni-lock ang pinto. Tsaka ako dumiretso sa piano ko at nagsimulang tumugtog.

I cannot use my powers anymore... because of a tragedy. At ayoko nang isipin pa ang pangyayaring yon.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko at tinuloy ang pagtutugtog. This is only the way to release my anger. And this is the only way to see all the important moments in the future.

Napatigil ako sa pagpiapiano ng may biglang pumalakpak.

"Your still good at playing piano even when your upset." Nakangiting sabi ni Sky.

"Anong ginagawa mo dito? Wala akong sinabi na pumasok ka." Seryoso kong sabi.

"Relax Maureen, nag short cut na lang ako sa bintana mo." Aniya.

"Your such a haughty, Sky."

"By the way, anong pinag-usapan nyo ng babaeng yon?"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Sky. Sasabihin ko ba?

"Nothing." Tipid kong sagot.

"Kilala kita Maureen." Nakangiti nyang sabi.

"Gusto ko munang mapag-isa Sky." Pagkatapos ko yon sabihin ay agad ding namayapa ang katahimikan.

St. Marie Academy (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن