Chapter 47: Scared

78 10 0
                                    

"Eh ba't hindi pa sya nakukulong?" Tanong ni Amy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Eh ba't hindi pa sya nakukulong?" Tanong ni Amy.

"Sige subukan mong magsumbong sa pulis at unti-unti ka nyang papahirapan hanggang sa mamatay ka." Ani Flame. "Tanging mga kapwa fire witch lang namin ang nakakaalam ng mga ginagawa nya. At wag nyong isipin na takot ako sa kanya. We all have our own businesses, pero honestly medyo nakakatakot sya kaya mag-iingat kayo."

"Oh no." Ani Chandrea.

"Baka may masaktan satin." Nagaalala kong sabi.

"Hindi ko hahayaang saktan nya kayo." Ani Flame. "Tandaan nyo, kauri ko sya kaya alam ko ang mga kahinaan nya."

"Yeah, right. Kaya natin to guys." Ani Nathan.

"Oo na kaya na natin, pero sa ngayon pumunta muna tayo sa cafeteria para kumain." Iritang sabi ni Amy.

Tumango naman kami habang tumatawa tsaka na kami dumiretso sa cafeteria.

Pagkatapos naming mag-order ng pagkain ay naghanap na kami ng upuan. At sa wakas may isang table pa sa gilid. Agad naman kaming dumiretso don--

"What the!!!" Biglang sigaw ng isang babae.

"So-sorry!!" Si Chandrea.

Natapunan pala ni Chandrea ng ketchup yung damit nang babae.

"Shet si--"

"You did this to me in purpose!" Sigaw nang babae. Di na tuloy natapos si Flame sa pagsasalita.

Nakatingin na pala samin lahat ng studyante.

"Hindi naman siguro sinasadya ni Chandrea." Biglang sabi ni Nathan.

"K-kung ganon, edi sorry." Sabi ng babae. At tinapat nya yung isa nyang kamay kay Chandrea. Para makipag shake hands. "Wag mo na sanang uulitin okey?"

Ngumiti naman si Chandrea at nakipagshake hands din. "Okey."

Aalis na sana kami ng mapasigaw si Chandrea.

Hindi pa pala binibitawan ng babae si Chandrea at...

Shet!

"Chandrea!" Sigaw ko tsaka ako lumapit. Kaso naunahan ako ni Flame.

"Mary tama na." Galit na sabi ni Flame. Tsaka nya binaba yung kamay ng babae.

"Flame? Wait, your with them huh." Sabi ng babae. I mean, sabi nga ni Flame, Mary daw ang pangalan.

"Yes and your making a scene." Ani Flame. "Alam kong hindi sinasadya ni Chandrea na tapunan ka ng ketchup. Kaya wag mo naman syang igaya sa mga ginagawa mo."

Affected si Mary sa sinabi ni Flame kaya maattitude itong umalis. Mabuti at nag-iisa lang sya.

Umirap pa sya bago umalis.

"Okey ka lang Chandrea?" Tanong ni Nathan.

"Ayieeeeh.. concern si Nathan!" Asar pa ni Amy.

Grabe may oras pa talaga sya para mang-asar.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now