Chapter 25: Old Lifestyle

76 11 0
                                    

"Cherry! I miss you!" Sigaw ko ng makita ko sya sa sala ng bahay namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Cherry! I miss you!" Sigaw ko ng makita ko sya sa sala ng bahay namin.

"Ms. Harmony!" Aniya. Tsaka kami nagyakapan. "I miss you too Harmony!"

"Aba pumayat ka ha." Natatawa kong sabi.

"Syempre naman po. Tsaka Ms. Harmony, masaya akong makita kita ulit na ngumiti pagkatapos ng ilang taon." Nakangiting sabi ni yaya Cherry.

"Sumaya kasi ako dahil sa St. Marie Academy. Dahil sa iskwelahang yon, nakahanap ako ng mga kaibigan na masayahin din at mababait." Sumbat ko.

"Aba Ms. Harmony ipakilala nyo naman ako sa kanila." Ani Cherry.

"Sige, papupuntahin ko sila dito next time." Sumbat ko tsaka ako ngumiti. Pagkatapos non ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Hmmm... I miss the old days.

Humiga ako sa kama ko at nag-isip. Nasa second stage na pala kami.. Malalampasan kaya namin ang stage na yon?

*sigh..

Bumangon na ulit ako at dumiretso sa c.r. tsaka na ako nag-shower. Pagkatapos kong magshower at magpalit ng damit ay humiga na ulit ako sa kama tsaka na ako natulog. 1:00 A.M. na pala. Kailangan ko nang matulog...

*yooooown...











Flame's PoV

*knock! Knock!

"Flame gising ka pa ba?" Biglang sabi ni Ate Briar.

Matutulog na sana ako pero bumangon na lang ako sa kama ko at binuksan ang pinto.

"May problema ba ate?" Seryoso kong sabi.

"Ito pinagtimpla kita ng gatas. Kaya inumin mo to." Ani Ate.

"Ayoko At-- aray! Ansakit nun ah!" Sinuntok nya kasi bigla yung sikmura ko.

"Wag mo kong hayaang magalit kung ayaw mong masunog yang buong kwarto mo." Kunot-noong sabi ni Ate.

"Oo na. Iinumin ko na." Sumbat ko.

Pagkuha ko non ay sinara ko na yung pintuan. Tsaka ako dumiretso sa working table ko at binuksan ko yung sketch book ko.

Tinitignan ko yung mga drawings ko habang umiinom ng gatas.

Napatigil ako ng makita ko yung huling drawing.

"Hindi ba yan si--"

"Ate! P-paano ka nakapasok dito?!"

"Sa pintuan malamang! Eh hindi mo naman nilock!" Galit nyang sabi. Mas madali kasi syang magalit kesa sakin. Kaya natatakot ako sa kanya.

Sinara ko na lang yung sketch book ko at tinuloy kong inumin yung gatas.

"Ang laki laki mo na baby brother..." Ani Ate na ikinatigil ko. "Dati ang liit liit mo pa na laging umiiyak sa braso ni mama. Pero ngayon, teenager ka na."

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now