Chapter 65: Harmony of Life

59 6 0
                                    

Bago pa makain si Drei ng isang giant golden dinosaur sutatue na gumagalaw na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Bago pa makain si Drei ng isang giant golden dinosaur sutatue na gumagalaw na... biglang pumisa yung dinosaur egg na kinuha ni Sky at biglang napatigil yung dinosaur.

Lumapit yung dinosaur sa itlog malapit sa portal at bigla itong tinulak ni Sky papasok sa loob.

"Yes!!!" Sigaw naman ng ilang studyante na bumoboto sa Team Tenoji.

"Paano ba yan, mukhang isa sa kanila ang makakalaban nyo para sa lose to lose competition."

Napatingin ako sa nagsabi non at walang iba kundi yung nasa kaliwang tabi ko, isang babae na hindi ko naman kilala.

"Raven, pakisagot na lang yung mga assignments ko mamaya." Sagot ng katabi nyang lalake.

"Ako din Raven, ikaw na din ang magreport mamaya sa culture class natin. Tsaka sabihin mo na lang na kami ang gumawa sa report natin." Sabi naman nung isang lalake.

Napatingin ako sa dalawa pa nilang katabi sa gilid at... apat silang lalake at sya lang ang mag-isang babae. Kagaya ng Team Tenoji, pero... kabaliktaran ang sa kanila. Sa Team Tenoji kasi, itinuturing nilang prinsesa si Ms. Maureen pero itong grupo sa tabi ko... itinuturing naman nilang yaya yung babae.

What an opposite group.

"Mukhang bilib na bilib ka yata sa grupo ko." Seryosong sabi nung Raven habang naka tingin sa flatscreen.

"Ako ba yung tinutukoy mo?" Tanong ko.

"Syempre ikaw, Harmony Laveu."

Nagulat ako bigla sa sinabi nya.

"Kilala mo ko?" Tanong ko.

"Oo naman, sino naman ang hindi nakakakilala sayo? Ang nag-iisang soul witch sa academy na leader ng Team Harmony at kabilang sa Group A sa batch nila."

Nagulat ako lalo sa pagkakakilala nya sakin. Grabe, kilalang kilala nya nga talaga ako. Stalker ba sya?

"Ako? Hindi mo ba ako kilala?" Tanong nya.

"Hindi. Sino ka ba?" Tanong ko.

Pero... parang pamilyar yung mukha nya. Parang nakita ko na nga sya dati! Pero... kailan? Hindi ko talaga masyadong maalala.

"Classmate mo ko."

Ano?! Classmate ko sya?!

"Kami at ng mga kasama kong lalaki ay walang iba kundi ang group F."

Group F?! Yung pinakamababang grupo sa section namin...

Teka...

"Ms. Forestier tapos na po kami!" Sigaw ng isang babae.

Napatingin ako doon at mukang nasa group F sya. Tsaka nag-iisa lang pala syang babae sa limang myembro.

"Ito po yung gawa namin." Nakangiting sabi ng babae. Samantalang yung apat na lalaki nagkwekwentuhan.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now