Chapter 73: Going Fun

68 6 0
                                    


Mas nagulat ako sa sinabi ni Raven.

Grabe, napakalakas talagang armas ang Dinkum. Kasi lahat talaga ng sikreto mo ay mabubunyag. Because secrets are everyone's darkest fear.

"Alam na ba 'to ng mga kaibigan mo?" Tanong nya.

"Si Flame Oo pero sina Nathan at Amy hinda pa." Sagot ko.

"Bakit hindi mo pa sinasabi sa kanila? Diba mga kaibigan mo sila?"

"M-may rason ako kung bakit. At please, wag mong gamitin yang dinkum para malaman ito." Sagot ko.

"Naiintindihan ko."

Ibinalik ko na ang dating oras at parang walang nangyari sa amin.

"Harmony amp?" Tanong bigla ni Nathan.

"Ah... n-nakita ko dito sa dinkum na... amp-feeling ni Harmony! Oo yun nga." Sagot ni Raven.

Tama nga yung sinabi ni Raven noon. Nakikipag-away sya pero meron naman syang ginintuang puso kaya naiintindihan nya ang ibang tao.

Wala silang pinagkaiba ni Chandrea.

"Maghahapon na pala. Lunch na tayo." Biglang sabi ni Amy.

"Yes! tara na sa bahay!"

"Paano na si Harmony?" Tanong ni Amy kay Nathan.

"Sa fast food resto na lang." Request ni Flame.

"Okey, that's fine with me." Sumbat na naman ni Nathan.

"Tara na guys!" Yaya ni Amy tsaka na kami umakyat sa hagdan palabas ng Tteusant.

"Kung wala na tayong gagawin, uuwi na ko." Biglang sabi ni Raven habang umaakyat kami sa hagdan.

"Alam mo girl, part of the group ka na dito. Kaya kung saan kami papunta, dun ka din pupunta." Sagot ni Amy.

"A-ano kasi..."

"No worries Ms. Ramirez, ililibre ka namin." Sagot naman ni Nathan.

"T-thank you... Baka kasi isipin nyo na kaya lang ako sumali sa grupo nyo dahil mayayaman kayo." Nahihiyang sabi ni Raven.

"Wag mong sabihin yan, lahat tayo dito... pantay-pantay ang tingin sa sarili, okey?" Sumbat ko.

"Oh narinig nyo yung sinabi ng leader natin." Nakangising sumbat ni Flame.

Enebe! >.<

Ang landi mo talaga kahit kailan Harmony.






















***

























Pagkatapos naming mag-lunch. Dumiretso muna kami sa pinakamalapit na mall.

Gusto daw kasi ni Nathan na maglaro ng arcade games kaya sinamahan na lang namin sya. Total wala na kaming gagawin pa, basta matataranta at magsisihan na lang kami pagdating ng lose to lose competition between us and Team Phara.

A youth's life.

"Heto mga tokens nyo." Sabi ni Nathan pagkatapos nyang bumili ng tokens dun sa counter.

"Andami naman nito, kala mo titira na tayo dito sa arcade games area." Sabi naman ni Amy.

Oo nga ang dami. Hundred tokens ata to.

"Ba't pati ako binigyan nyo? Eh hindi naman ako nagbigay ng pera." Tanong ni Raven.

"Paulit-ulit talaga Raven? Diba sabi namin, ililibre ka namin anytime." Sagot ni Amy.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now