Chapter 75: Lose to Lose Stage

53 4 0
                                    


Flame's PoV

"Asan yung mga iba?" Bungad ko.

Hindi sya sumagot at nakatingin lang sakin ng diretso.

Naiilang na ako kaya nagtanong na naman ako.

"H-hindi pa ba nagsimula yung lose to lose stage?"

"Bakit ka ganyan?"

"H-ha?"

Anong pinagsasabi nya?

Binuksan nya yung bag nya at inalabas yung... sulat ko. Nakumpol na pala ito. Kala ko nagustuhan nya. Ouch.

"Ano to ha? Sabihin mo nga Flame, love letter ba talaga to o promissory note? Diba napag-usapan na natin to noon? Na wala akong pakialam sa mga kalokohang nasa isip mo." Galit nyang saad. "Alam mong mahal kita... yon naman ang importante diba?"

Sumagot ka Flame. Wag kang maging mahina sa harapan ng babaing gusto mo.

"I'm sor--"

Hindi ko natapos yung sasabihin ko ng bigla nyang hinila yung kwelyo ng damit ko at... hinalikan ako.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Hindi na ito yung first kiss ko kasi nahalikan ko na sya noong sini-CPR ko sya. Pero sa tingin ko, hindi nya alam ang tungkol don.

Bumitaw din sya agad at itinulak ako palayo. Kaya napaatras ako ng konti.

"Alam mo na siguro sa susunod ang mangyayari kapag binanggit mo pa ang mga salitang isinulat mo dito." Aniya tsaka nya tinapon kung saan yung papel.

"O-okey po boss." Sagot ko tsaka ako unti-unting ngumiti.

Nawala na din yung galit sa mukha nya tsaka din ngumiti.

"Ikaw kasi eh, alam mo namang mahal kita kahit anong mangyari." Sabi nya ulit. "Tara na nga, naghihintay na sina Amy dun sa main hall."

Hindi na lang ako sumagot at sabay na kaming naglakad.

Naiintindihan ko na.

She loves me the way I am.

Nanggigigil tuloy ako sa sarili ko dahil sa pagka-immatured ko. Tsaka ganon din naman ang nararamdaman ko sa kanya, I also love her the way she was.....


















Harmony's PoV

That was epic! Nakakahiya yung ginawa ko kanina! Ano kayang iniisip ni Flame ngayon?! Huhu. Bad idea pala yung ginawa ko. Huhu talaga!!

T^T

Grabe, first kiss ko yon pero... bakit parang nangyari na yon noon? Ganon ba talaga yung feeling pag nagka first kiss ka?

"Beshy! San kayo galing? Kanina pa kami naghihintay!" Bungad ni Amy.

"Ah, may inutos kasi kanina si Mr. Hades samin." Sagot ko.

Alam kong bad ang pagsisinungaling pero... alangan namang sasabihin kong.... 'Ah, sinabihan ko lang si Flame na wag na syang maging nega kaya hinalikan ko sya para maging lesson na yon sa kanya' ganon?

"Totoo?" Tanong ni Nathan na may nakakaasar na tingin.

"Sakto lang yung dating nyo, magsisimula na yung laban." Sabi naman ni Raven.

"First time mong lumaban sa grand prix Raven, hindi ka ba kinakabahan?" Tanong ko.

"S-syempre Oo, pero alam kong makakaya ko to basta iintindihin ko lang yung instructions at rules ng games." Sagot nya.

St. Marie Academy (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora