Chapter 38: Failed?

75 9 0
                                    

Harmony's PoV

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Harmony's PoV

"Yung nasa dulo ba yung labasan?" Tanong ni Nathan.

"Oo." Sagot ko.

"Pa-paano na yan..." Pigil hiningang sabi ni Chandrea. Halos di na sya makagalaw sa sobrang takot nya.

Aaminin ko natatakot din ako.

"Ano ba naman kayo, akala ko ba always ready ang team Harmony?" Ani Amy.

"Tama si Amy, di ba sinabi nating lahat kanina yan?" Ani Flame.

"So eto na yon. We need to fight and we need to win." Patuloy ko. "Para sa mga pangarap natin na gusto nating makamit."

Mabuti at nawalan na ng kaunti ang mga takot nila dahil sa sinabi ko.

"I'll do the first move.." Ani Flame tsaka ito naglabas ng apoy.

Napakabilis ang pagliyab nito na halos masunog na yung buong lugar. Bago pa lumapit yung apoy samin ay naglabas naman si Chandrea ng tubig. Agad naman na nawala yung apoy.

Halos mapatumba na namin silang lahat pero may mga zombie na biglang bumangon. Meron ding mga zombies na paparating.

That's it, were dead. ×____×

"Oh no." Biglang sabi ni Amy.

"Kailangan na nating lumaban lahat!" Sigaw ko.

Ako naman ang naunang lumapit sa mga zombies. Tinulak ko ang nasa parteng dibdib nila at lumalabas ang mga kaluluwa nila.

Grabe, hindi ako makapaniwalang ganito ako kalakas. Halos hindi ako napapagod sa ginagawa ko.

Pero ang nakakapagtataka, pumapasok lahat sa katawan ko ang mga kaluluwa na nilalabas ko sa katawan ng mga zombies.

Hindi yon nakikita ng mga kasama ko dahil sa tingin ko... mga soul witch lang na kagaya ko ang makakakita sa kondisyon ko.

Napatingin ako kay Nathan at buong pwersa syang naglalabas ng hangin na ginagawa nyang pamprotekta sa katawan nya. Nagpapalitaw din sya ng mga bagay-bagay gamit ang hangin na ginagawa naman nyang panlaban sa mga zombies.

Tinawagan naman ni Amy ang mga ahas at insekto na nakatago dito sa abandoned school na to na panlaban. Actually, naging toro pa sya.

Si Chandrea naman, naglalabas sya ng tubig mula sa kamay nya bilang pamprotekta. May mga matutulis din na gawa sa tubig ang binabato nya sa mga zombies at apektado naman ito mula sa puso nila.

At sa huli, napatingin ako kay Flame.

Kaya nga ako nahulog sa kanya dahil hinahangan ko ang galing nya sa lahat ng bagay. Nakikita ko ang mga pawis na tuloy-tuloy ang pagtulo sa muka nya. At tuloy-tuloy padin ang paglalabas nya ng fireball sa kanyang kamay.

Parang pinapakita nila na hindi talaga sila sumusuko.

Linabas namin lahat ng lakas namin upang makarating sa pinakadulong parte ng hallway at sa wakas...

St. Marie Academy (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora