Chapter 13: Worried Sick!

93 11 0
                                    

Harmony's PoV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Harmony's PoV

"Pero sa tingin nya tama yung ginawa nya? Ang ibigay sa ibang tao ang sakit na nararamdaman nya?" Sagot ni Nathan kay Flame.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi ni Nathan. At hindi ko namalayang sinampal ko pala sya. Nagtinginan agad yung mga studyante samin.

"Wala kang karapatang sabihin yan sakin. Dahil hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan ko." Seryoso kong sabi kay Nathan.

Tsaka na ako umalis at pumasok sa second class ko.

Pinunasan ko na ang luha ko at nagsimula na akong magreview. May exam pa akong dapat tapusin.

Bago kami magsimula ay pinaliwanag ko na sa teacher namin na nagkapalit kami ni Chandrea ng katawan dahil meron syang important matter na kailangang puntahan.

Buti at naiintindihan ako ng teacher naming isang clone witch.

Nagsimula na akong mag-answer at sa wakas ay natapos ko na din in 40 minutes.

Pagkatapos non ay umalis na ako sa class ko at dumiretso kay Chandrea. Kailangan kong mag-sorry sa ginawa ko.

Hindi ko alam pero nararamdaman kong nasa clinic sya.

Wierd.

Pagpasok ko sa clinic ay nadatnan ko sina Amy, Nathan, at Flame na nagbabantay kay Chandrea.

Lahat sila ay biglang napatingin sakin.

Napatangin ako sa katawan ko at naaawa na ako sa kalagayan ng katawan ko.

Kaya lumapit na ako kay Chandrea at hinawakan ang kamay ng sarili kong katawan. Habang nakapikit.

Pagmulat ko ay bumalik na ako sa dati kong katawan. Nanghihina na naman ako.

"Sorry sa inyong lahat. Lalong lalo na sayo Chandrea." Naiiyak kong sabi.

"Ano ka ba Harmony. Okey lang yon. Sinabi na sakin ni Flame lahat ng nangyari." Ani Chandrea.

"Ganon ba?" Mahina kong sabi.

"Kami dapat ang mag-sorry sayo." Seryosong sabi ni Nathan.

"Tama si Nathan. Sorry kasi naging over-protective kami sayo. Ayaw lang kasi naming magkasakit ang isa satin. Kaya.. Sorry." Ani Flame.

"Ikaw naman kasi. Tinago mo pa na may sakit ka. Edi sana nagkapalit na lang tayo ng katawan. Papayag naman ako eh." Ani Amy.

"Sorry Amy." Pagpapaumanhin ko kay Amy.

Pagkatapos non ay pinalabas na ako sa clinic. Sabi ng nurse, magpahinga daw muna ako sa bahay.

Sasamahan daw ako ng mga kaibigan kong umuwi pero sinabi kong okey lang ako mag-isa.

Kaya umuwi na kaming lahat. Nauna nang umuwi si Amy dahil may bibilhin pa sya sa grocery. Pagkatapos non ay didiretso na daw sya sa flower shop.

Umuwi na din si Flame dahil may tinatapos pa daw syang assignment. Pero pupunta na din daw sya sa flower shop pagkatapos non.

Si Chandrea naman magiistay muna dito sa St. Marie. May importante daw kasi syang binabasa sa library. At hindi nya daw alam kung makakapunta sya mamaya sa flower shop. Pero pipilitin nya daw pumunta.

Si Nathan naman bigla na lang umalis. Di man lang nagpaalam kung saan sya pupunta.

At ako naman. Nagtatambay muna dito sa roof top ng school. Ang sarap kasi ng ihip ng hangin dito.

"Hindi ka pa ba uuwi Ms. Laveu?" Ani Headmaster Grim na ikinagulat ko.

Bigla na lang kasi syang sumusulpot..

"Headmaster! Um ayoko pa po kasing umuwi. Naboboring po kasi ako sa unit ko eh." Sambit ko.

"Ganon ba? Sige mauna na ako." Ani Headmaster. Tsaka na sya umalis.

Believe na believe talaga ako kay headmaster Grim. Kasi kahit matanda na sya ay nagagawa nya pang ngumiti.

"Tatay mo ba si Headmaster Grim?" Biglang sabi ni Nathan.

Isa rin tong lalaking to eh. Lagi din tong sumusulpot kung saan saan.

Pinaglihinan ba sila sa kabute?

"Baka ikaw ang may tatay sa kanya. Parehas lang kayong sumusulpot kung saan saan eh." Seryoso kong sabi sa kanya.

Pero bigla din kaming tumawa.

"Paano mo nga pala nalaman na nandito ako?" Bigla kong tanong kay Nathan.

"Sinundan kita syempre." Aniya.

Kaya pala hindi man lang sya nagpaalam kanina.

"Sorry nga pala dahil nasampal kita kanina. Hindi ko talaga sinasadya... Hindi ko lang talaga ma-control yung sarili ko that time. Pero promise! Hindi ko talaga intensyon na saktan ka." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Ayos lang yon. Kasalanan ko din naman lahat. Nasabi ko sayo ang mga salitang hindi kaaya aya dahil sa galit na nararamdaman ko. At hindi mo yon deserve. Kaya sorry." Ani Nathan.

"Galit? Anong galit?" Tanong ko.

"Nagtatampo kasi ako sa ginawa mo sakin kahapon." Aniya na bigla kong tinawanan.

"Anong pinagsasabi mo?!" Natatawa kong sabi.

"Oh ba't ka tumatawa?" Aniya.

"Nilalamig kasi ako non kaya nagalit ako at nagmadaling umalis." Sagot ko.

"Nilalamig ka pala non. Dahil pala sakin nagkasakit ka." Aniya.

"Ano ka ba hindi noh. Nagjogging kasi ako ng maaga kahapon. Tapos umiyak ako non habang basang basa ako ng pawis. Kaya hindi mo yon kasalanan." Sumbat ko.

"Ikaw naman kasi eh. Nung una hindi ka man lang nag reply sa message ko, tapos yung bouquet na binigay ko sayo tinanggihan mo, at nung nangyari kahapon.. Ang aga kong nagbihis mabisita lang kita pero binalewala mo lang lahat ng yon." Aniya na ikinagulat ko.

"Eh hindi ko naman sinabi na gawin mo yon--" Nagulat ako sa tingin nya saking napakaseryoso at mukhang nasasaktan. "Sorry." Nakangiti ko na lang na sumbat sa kanya.

"Hayaan mo okey na ako." Aniya tsaka sya ngumiti. "Makita lang kitang nakangiti sapat na yon sakin."

"Ano?" Panguulit ko.

"I mean.. Makita ko lang ang leader kong nakangiti. Okey na ako." Aniya.

"Ahh.. Okey." Sumbat ko.

Ilang minuto na ang lumipas ay nagpaalam na ako kay Nathan para umuwi.

Sinabi ko na din sa kanya na hindi ako makakapasok ngayon sa flower shop ni Ms. Rose. Pagdating ko sa unit ko ay nagpahinga na ako at natulog...

***

Kinaumagahan...

"Amy bilisan mo! Malapit nang dumating yung school bus." Sigaw ko sa harap ng pintuan ni Amy.

Maaga kasi kaming nagising ngayon dahil nag-message si Chandrea sakin kahapon na open na daw sa St. Marie Academy ang grand prix registration.

"Tara na." Ani Amy.

Tsaka na kami nagmadaling lumabas sa condominium at sumakay sa school bus. Pagdating namin sa local school ay tumakbo na kami ni Amy papunta sa janitor's room.

Pero hindi ko inaasahang may makakabangga ako na isang matangkad at gwapong lalaki.

Napahiga kami sa sahig. At ang lapit na ng mga mukha namin.

Flame?!

Geeeez...



St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now