Chapter 70: Wades Family

62 5 0
                                    

Weekend na ngayon at tinawagan ako ni Nathan kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Weekend na ngayon at tinawagan ako ni Nathan kanina. Sabi nya pumunta daw kami sa bahay nila.

Kaya nag da-drive ako ngayon papunta sa bahay nila. At gamit ko itong kotse ko. Miss ko na kasing mag-drive.

Miss ka ba? Lol.

Ilang minuto na ang lumipas at nakarating din ako sa bahay nila. Isa itong modernong mansion at nasa kakahuyan ito. May mga fountain pa nga sa harapan.

Biglang bumukas ang malaking gate nila kaya ipanasok ko na itong kotse ko.

"You are late Ms. Leader." Bungad sakin ni Nathan mula sa pintuan nila.

"Masyado lang kayong maaga." Sagot palabas sa kotse ko. Syempre pinatay ko na yung makina.

"Follow me, busy sila sa pagtu-tour ng bahay ko." Nakangisi nyang sabi.

"Tinawag mo ba kami para mag-tour sa bahay mo?" Tanong ko.

"Hindi naman, may importante lang akong ipapakita sa inyo."

Okey.

Pumasok na kami sa bahay nila at halos lahat ng pader nila ay puro fiber glass. May mga maids pa na pakalat-kalat.

Cool.

"Good morning beshy!" Bungad ni Amy.

"Good morning Amy." Masaya kong sagot. "Good morning Raven."

"Good morning." Tipid nyang sagot.

Napatingin ako sa paligid at mukhang wala sya.

"Teka, asan si Flame?" Tanong ko.

"Ayieeh, hinahanap nya pala yung night and shining armor nya." Asar ni Amy.

"Naglibot-libot ata." Ani Nathan. "Harmony hanapin mo na sya para makapunta na tayo sa ipapakita kong lugar."

"Lugar?" Tanong ni Raven.

"Its an underground place." Biglang sabi ng isang middle aged man sa likod ni Nathan.

"Guys, this is my parents. Jenny Wades and Erick Wades."

May isang babae pa pala sa tabi nung lalake.

"Nice to meet you Mr. and Ms. Wades." Sagot namin.

"So, gusto nyong pumunta sa underground place namin?" Tanong ni Ms. Wades.

"Opo, kung pwede sana." Sagot ko.

"Of course pwedeng pwede. Kung may kasama kayong isang soul witch." Nakangiting sabi ni Ms. Wades.

Soul witch? Bakit naman mga kagaya lang namin ang pwedeng bumukas nito?

"Actually, matagal na panahon na din ng huli kaming makapasok roon. Pumanaw na kasi ang kaibigan naming si Peter." Sabi naman ni Mr. Wades.

St. Marie Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon