Chapter 84: Final Stage

50 2 0
                                    


"True power will appear, true bravery will reveal. So that's the clue for the finals huh." Ani Kalisa habang nag-iisip.

"Here, you can use this." Sabi ni Eliya paglabas nya mula sa isang kwarto.

"What's that?" Tanong ni Nathan.

"Weapons."

"Weapons? We can't use weapons." Sagot ko.

Mga kaibigan namin sila.

"Don't worry, they won't recognize these weapons for sure." Sagot ni Kalisa.

Inilabas naman ni Eliya mula sa bulsa ng jacket nya ang isang maliit at lumang pocket-bag. Binuksan nya ito at ibinuhos ang laman sa kanyang palad.

M-mga ice cubes? Na iba't-ibang kulay?

Weird.

"Fel imbusca bemun iflagara! Nasucte elmin felgagria!"

Paulit-ulit iyon na isinisigaw ni Eliya habang nakapikit. At yung mga ice cubes sa palad nya ay nagpapatay-sindi ang liwanag mula roon.

"She's done." Biglang sabi ni Kalisa matapos tumigil sa kakasalita si Eliya. "She just made a spell of these useless ice cubes. But now, they aren't useless anymore, because these ice cubes has already a magic spell inside it."

"What kind of magic spell?" Tanong ko.

"Luck."















***














Dahil sa mga nagdaang pangyayari nitong nakaraang linggo ay hindi ko namalayan na lumipas na ang isang buwan.

At ito na nga kami, lalaban na sa finals. Dumating na ang araw na pinakakatakutan namin. Ang ikahuling-parte ng stage sa grand prix.

Pagkatapos kasi ng pagpunta namin sa North Pole at ang pagkilala namin sa dalawang kaibigang katulad namin, ay umuwi na din kami kaagad.

Sa 'St. Marie Arena' gaganapin ang finals. Kung saan pwedeng manood ng live ang mga studyante ng St. Marie Academy.

Pumunta pa yung secretary ni Ms. Trina sa bahay namin kahapon, para ibigay sakin yung susuotin namin para sa finals. At sa tingin ko, ganon din ang nangyari sa mga kasama ko at mga kalaban ko.

"Ang astig ng outfit natin!" Biglang sabi ni Nathan habang naglalakad kami papasok sa arena.

Isang blue suit ang ipinasuot nila samin, at may terno ding kwintas na kulay pula. Nakita ko na din sina Ms. Maureen kanina at nakasuot naman sila ng white suit, na may terno ding kwintas na kaparehas din namin ng kulay.

Nakakatakot...

Pero...

"Kaya natin to."

"Syempre noh, ikaw lagi ang influencer eh." Sagot ni Nathan sakin.

"Basta, laban lang." Dugtong ko.

"Ano ba. Mas lalo akong natataranta sa inyo eh." Kunot-noong sabi ni Raven.

"Anong gusto mo? Sabihin naming 'ay wag na tayong mag-effort kasi matatalo rin naman tayo' ganon?"

"Hindi naman sa ganon. Tsaka nakain na natin yung binigay nina Kalisa at Eliya kanina, kaya may chance na swertehin tayo." Sagot ni Raven kay Amy.

"Luck depends on us. Not some spells and beliefs." Sabi ko.

Nagpapasalamat ako sa pagtulong nina Kalisa at Eliya pero, hindi naman kasi pwedeng tatayo-tayo na lang kami.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now