Chapter 78: Odd and Alter

46 3 0
                                    


Thirty minutes na simula ng mag-start ang first subject namin, at wala pa so Flame.

Hindi tuloy ako maka-focus sa klase dahil lagi akong tumitingin sa pintuan, hinihintay ang bulto ni Flame.

"Absent yata beshy." Bulong bigla ni Amy na katabi ko.

Napansin nya ata na tingin ako ng tingin dun sa pintuan.

At bakit naman sya mag-aabsent? Hindi nya ugali ang mag-absent. Wala pa nga syang record na absent eh.

That's odd.

Pagdating ng break time, dumiretso na kaming tatlo nina Amy, Nathan at ako sa cafeteria. Hindi daw makakasama si Raven dahil magrereview raw sa library.

Tinanong nga namin kung wala syang pera pero meron naman daw. Kailangan nya daw talagang mag-review.

"Ba't parang ang weird ng araw na 'to?" Biglang sabi ni Amy habang bumibili kami ng pagkain.

"Hay nako, nasabi mo pa." Sagot ko.

"Hindi naman para sakin, baka kayong dalawa ang weird."

Agad naming binatukan ni Amy si Nathan.

"Aray ko!! Joke ko lang naman yon!" Bulong nyang sigaw.

"Eh kung ano-ano kasi ang sinasabi mo." Sumbat ni Amy sabay irap kay Nathan.

Nang makabili na kami ay dumiretso na kami sa isang table kung saan walang naka-upo.

Pero bago pa kami makalapit ay biglang umupo ang Team Tenoji.

Napansin nila kaming napatigil. Kaya magsasalita na sana sila pero parang pinipigilan nila yung gusto nilang sabihin. Kami naman naka-tuod lang, at hindi namin alam kung bakit.

Nagkakaroon na ba ng tension sa pagitan ng grupo namin?

I mean, awkwardness or something?

"Dito ba kayo uupo?" Pagbabasag ni Paul sa katahimikan. "Sorry, pero kami na kasi yung nauna."

"But you can join us." Sumbat naman ni Drei pero agad syang binatukan ni Sky. "Ano ba guys! Kaibigan na natin sila kaya chill lang kayo."

"Pero---"

"Wala nang pero-pero, tinawag ko na sila eh." Sumbat ni Drei kay Nick.

"Ah hindi babe, hanap na lang kami ng ibang table." Sumbat naman ni Amy.

"No, upo na kayo dito. Para tabi tayo babe." Sagot naman ni Drei.

"Ano ba pare, ayaw nga nila eh." Sumbat ni Nick.

"Hindi gusto nila." Sagot naman ni Drei.

"Ayaw nga daw."

"Gusto nila."

"Ayaw daw."

"Gusto nga nila."

"Tama na yan! Umupo na lang kayo dito Harmony para wala nang away." Seryosong sabi ni Sky.

"Upo na lang tayo." Bulong ko kina Amy at Nathan kaya umupo na nga kami sa tapat nila.

Katapat ko si Ms. Maureen at seryoso lang syang kumakain. Ni hindi nga nya ako titigan sa mata eh.

May alteration na ba sa pagitan namin?

Walang nag-iimikan sa aming lahat at focus na lang kami sa pagkain. Pero nagtitinginan kaming lahat, except si Ms. Maureen.

"So, congrats nga pala sa pagkapanalo nyo sa lose to lose stage." Sira ulit ni Paul sa katahimikan.

"Thank you." Sagot naman ni Nathan.

St. Marie Academy (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu