Chapter 89: Claim The Price

53 1 0
                                    


Harmony's PoV

"You're always here Ms. Laveu."

Napatingin ako sa biglang nagsalita at si headmaster Grim lang pala.

Andito kasi ako sa rooftop, binabasa ulit ang the book of soul. O di kaya pinaglalaruan ko lang.

"Alam nyo po ba kung saan ito galing?" Tanong ko sa librong hawak ko.

"Laging dala-dala yan ng dati kong kaibigan." Sagot nya tsaka sya lumapit sakin. "I'm sure na proud na proud sa'yo ngayon si Peter."

Napangiti na lang ako sa sinabi ni headmaster. Alam na nya pala na tatay ko sya.

"You don't seem surprised." Sabi ulit nya.

"Unti-unti ko na lang po kasing natuklasan." Sagot ko.

"Tama nga ako." Napatingin ako kay headmaster sa sinabi nya. "Nang una ka kasing makita ni Trina sa local campus. Alam na nyang ikaw ang anak ni Peter at St. Marie, dahil manang-mana mo daw ang mukha nilang dalawa. Kaya ka nya kinuha agad bilang studyante ng St. Marie, at laging tinututukan ang bawat galaw mo."

"Alam din po ni Ms. Trina?" Gulat kong tanong.

"Oo, dahil naikwento ko na sa kanya dati ang tungkol sa pagmamahalan ng mga totoo mong magulang. Until one day, sinabi nya sakin na dapat mo na daw malaman ang tungkol dito. Pero sinabi kong wag, dahil balang araw matutuklasan mo din naman ang totoong ikaw. And you finally did, Ms. Harmony Laveu."

Napanganga na lang ako sa sinabi ni headmaster. So gustong sabihin sakin ni Ms. Trina yung totoo, pero pinigilan sya ni headmaster.

Wow lang ha.

"Your awarding will begin soon. So go back now and get ready."

"Sige po, mauna na ko." Sagot ko. Tsaka na ako umalis.

Dumiretso na ako sa main hall kung saan gaganapin yung awarding namin. At walang studyante ang dadating at manonood dahil may klase sila. So kami-kami lang nina Ms. Trina at ng grupo ko ang nandoon.

Depende kung pupunta sina Ms. Maureen at sina Ms. Phara.

"Harmony! Saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap." Bungad ni Amy.

"Uhm, nagpahangin lang ako." Sagot ko.

"Okey lang yan, mabuti at umabot ka." Sabi naman ni Raven.

"Mukhang tumalab nga yung kwintas na binigay nina Kalisa at Eliya."

"Oo nga." Sagot ko kay Flame. "Nga pala... hindi pa dumadating si Ms. Trina?"

"Malamang, kita mo namang wala sya sa harapan." Sagot ni Nathan. At inirapan ko sya dahil don.

"G-guys... a-anong nangyayari sa paa ko?!"

Napatingin kami kay Amy ng sumigaw sya. At yung paa nya--- hindi, yung buong katawan nya pala kumukupas!

Shet Pati din pala kami.

"Waaaaaaah!!!" Sigaw naming lima ng kumupas na nga ang mga katawan namin sa ere.

Wala naman kaming naramdaman.

Kaso nag-iba na lang bigla yung paligid at napunta kami sa isang kakahuyan. Isang normal na kakahuyan.

"Sorry kung dito kayo napunta. Hanggang dito na lang kasi yung pwedeng lugar kung saan gaganapin ang awarding nyo." Biglang sabi ni Ms. Trina mula sa likuran namin.

Humarap kami sa kanya at tsaka lang namin napagtanto na may isang pavilion pala sa likuran namin. Isang puting pavilion na punong-puno ng mga bulaklak.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now