Chapter 59: Make Her Pay

58 7 0
                                    

"Harmony okey ka lang ba? lutang ka ngayon ah

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Harmony okey ka lang ba? lutang ka ngayon ah." Ani Amy.

Andito kami ngayon nina Amy at Flame sa cafeteria. Pagkatapos kasi nang nangyari kahapon, agad na kaming umuwi at nagpahinga.

"Sorry Amy, ang dami-dami ko kasing iniisip eh. Una, bukas na gaganapin ang fourth stage at hindi ko pa din matanggap na talo na tayo. Pangalawa, alam naman nating tatlo na bubuhayin pa natin si Chandrea eh nakapagdesisyon na yung relatives nya na ililibing na sila ng parents nya bukas. At pangatlo, pagbabayaran pa natin si Calamity Mary sa ginawa nya upang mabigyan natin ng hustisya ang pagkamatay ni Chandrea at ng mga magulang nya." Napa-face palm na lang ako.

Hindi ko na talaga alam kung alin doon ang uunahin ko.

St. Marie, help me please...

"Anong tulong ba ang kailangan mo?"

Nagulat ako sa nagsalita. Si Gold ba yun? 'Gold?! Tulungan nyoko!' Sigaw ko sa isip ko.

"Kung ako sayo Harmony, pwede mo namang pagsaba-sabayin ang lahat ng yon eh." Ani Mira.

'Pero, paano?' Tanong ko.

"Isa lang ang alam kong way, at yun ay ang humingi ng tulong kay... Ms. Phara."

"Ano?!" Di ko tuloy napigilang magsalita kaya napatingin agad sakin sina Amy at Flame.

"Anong 'ano'?" Tanong ni Amy.

"May problema ka ba Harmony?" Tanong naman ni Flame.

"Ahm... wala naman. Alam nyo, gutom lang talaga ako kaya kakain na ako." Sagot ko at nagsimulang kumain.

Kay Ms. Phara? Bakit sa kanya pa? Wait... Hgh! Oo nga pala!


















Ms. Phara's PoV,

"Mia, Keysha, bilhan nyo nalang ako ng pagkain sa cafeteria. Dito na lang ako sa kwarto ko kakain." Utos ko sa dalawang alipores ko.

"Masusunod po Ms. Phara." Sagot nilang dalawa.

Geeeez! Naiistress na talaga ako! Bukas na yung fourth stage at makakalaban namin ang Team Tenoji. Ha! Sa tingin ng grupo ni Maureen, matatalo nila kami? Pwes! Ipapakita ko sa kanila na kami talaga ang mananalo!

"Bwaaaahahaha! Bwaaaahahaha!"

Napatigil ako sa pagtatawa ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Ang bilis naman ng dalawang alipin na yon. Tsk. Binuksan ko na lang ang pinto.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now