Chapter 16: Talent

88 9 0
                                    

"Ms

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ms. Phara! Ba't kayo nandito?!" Ani Flame.

Andito sya kasama yung dalawa nyang alipin na si Miya at Keysha. At nang dalawa pa nilang member sa grupo nila.

"Hinahanap kasi kita kanina sa cafeteria kaso wala ka eh." Pa-cute pa na sabi ni Ms. Phara.

"Nakikita nyo bang nagprapractice kami?" Sumbat ko kay Ms. Phara.

"Edi excuse me!" Aniya tsaka nya ako tinulak.

Wow ha!

"Hoy! wag mong itulak si Harmony, hindi mo ba alam na leader namin sya?" Ani Chandrea.

"Itong babaing to leader nyo? Waaaaahaha! Pathetic!" Ani Ms. Phara. Pagtumawa talaga to, parang isang evil witch. Isang nakakatakot na evil witch.

"Umalis na kayo dahil nakakasagabal na kayo sa training namin." Ani Flame.

"Okey fine. Aalis na kami, pero pagkatapos mong kainin itong hinanda kong baon!" Aniya.

"Baon?!" Ani Flame.

Binuksan na ito nina Miya at Keysha at punong puno ang lunch pack nya ng pagkain.

"Please Flame! Tikman mo naman itong linuto kong pagkain para sayo." Pagmamakaawa pa ni Ms. Phara.

Ang yaman yaman ng pamilya nya pero sya ang nagluto. Wow ha. Akala ko spoiled brat sya eh.

"Sige titikman ko yan." Ani Flame. "Pero dapat kasama ang mga kaibigan ko."

"But this is just for y--"

"Kung ayaw mo di wag." Serysong sabi ni Flame. Talent nya talaga ang hindi patapusin ang sinasabi ng kinakausap nya noh?

"F-fine!" Pagsusuko ni Ms. Phara. "Basta matikman mo lang yang linuto ko... Naghirap pa akong maghanap nang ganyang ingredient sa garden ko.. Kaya sana magustuhan mo."

Ganun ba talaga sya kadesperada kay Flame? Giving him so much effort?

Nga pala..

"Sila na ba ang magiging grupo mo Ms. Phara?" Bigla kong tanong.

"Oo nga. Sila na ba ang kasama mo para sa grand prix?" Patuloy naman ni Chandrea.

"Bakit gusto nyo bang ibigay si Flame sakin?" Ani Ms. Phara.

"Anooo?! Σ(⊙▽⊙")" Gulat na sabi ni Flame.

Hahaha!

"Syempre hindi noh! Malaki ang chance na manalo kami pag kasama namin si Flame." Ani Amy.

"Edi sainyo na. Sya naman ang magiging future husband ko eh." Ani Ms. Phara na ikinalaglag ng panga namin.

"*gulp ⊙﹏⊙‖" Reaksyon naman ni Flame.

"Di ba F-L-A-M-E?" Pacute na sabi ni Ms. Phara tsaka nya hinawakan ang braso ni Flame.

"Hindi ako magpapakasal sayo." Seyosong sabi ni Flame tsaka nya linayo ang sarili nya.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now