Chapter 18: Grade

92 10 0
                                    

He's dead

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

He's dead. ×.×

Nakakatakot talaga itong lalaking to!

"Wag kang mag-alala sa kanya. He is a fire witch remember?" Ani Nathan sakin.

Oo nga pala.

Bakit ba kasi ako nag-aalala?

"Mahiwaga.. Pipiliin ka.. Araw-araw..."

Sa huling parte ng lyrics ay unti-unti na ding nawala yung apoy. Parang walang nangyari.

Pagkatapos non ay naghiyawan na ang mga classmates ko kanya. Kaya napahiyaw na din ako.

"That was a very high class performance Mr. Roberds." Ani Ms. Forestier.

"Thanks Ms. Forestier." Ani Flame tsaka sya ngumiti. Once in a blue moon ko lang talaga syang makitang ngumiti..

"And the last performer, Ms. Harmony Laveu." Ani Ms. Forestier.

Shet ako naaaaa!

Umakyat na ako sa stage na kinakabahan. Grabe, first time ko kasing magperform ng ganito. Nagbabasa lang kasi ng libro, ang ginagawa ko sa bahay.

"B-bago po ako magsimula. Gusto ko po sanang tawagin sina Flame at Chandrea dito sa harap." Pagsisimula ko.

Napatingin sina Flame at Chandrea sa isa't-isa na nacu-curious. Pero sa wakas, umakyat din sila dito sa stage.

"Bakit Harmony?" Mahinang tanong ni Chandrea.

"Basta sumunod na lang kayo sa gagawin ko.." Mahina kong sagot.

"Okey." Ani Chandrea.

"My name is Harmony Laveu. And I'm a soul witch..." Sabi ko sa harap ng mga classmates ko.

Okey, Breathe.

Inhale...

Exhale...

Pinatugtog ko ng isang motivational background music ang maliit na speaker ni Amy. Tsaka na ako nagsimulang sumayaw. Mga basic steps lang naman.

Pagkatapos non ay inilahad ko ang kamay ko kay Chandrea para hawakan ako. Tsaka ako pumikit.

Pagmulat ko ay nasa katawan na ako ni Chandrea. At si Chandrea naman ay nasa katawan ko. Pero pinahiga ko sya para hindi sya mag-starring. Hahaha. ^=^

Pumikit ako at sinunod ko ang sinisigaw ng puso ni Chandrea. Tinaas ko ang dalawa kong kamay at ramdam ko ang paglabas ng daloy ng tubig sa kamay ko.

Yes. Nagawa ko rin!

Sumayaw ako sa gitna ng entablado gamit ang tubig na nakapalibot sa katawan ko. I mean katawan ni Chandrea.

Pagkatapos non ay inilahad ko na naman ang kamay ko kay Flame at sa wakas ay hinawakan nya din ito.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now