Chapter 77: A Trick

48 3 0
                                    


Harmony's PoV

A while ago...

Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang inilabas ang kaluluwa ni Raven sa gitna ng laban.

"What the F!" Sigaw ni Raven ng makita nya akong kaluluwa. "Patay ka na ba girl?!"

"Hindi pa ako patay, Raven." Sagot ko.

"Waaaaaaah!!!" Sigaw nya ng mapagtanto nya ding isa na syang kaluluwa. Napatingin sya sa katawan nyang nakahandusay na sa damuhan. "Ibig sabihin patay na ko!"

"Hindi din." Sagot ko. "Raven, I-eexplain ko na lang sayo mamaya ang lahat ng to, basta makinig ka muna sakin."

"O-okey." Natataranta nyang sagot. "Kahit ano gagawin ko basta wag lang akong mamatay."

"Hindi ka naman mamamatay kaya chill ka lang." Sagot ko.

"Okey, so ano na?"

"Raven, Ito na yung chance mong gamitin yung Dinkum. Ibabalik na kita sa katawan mo at tumakbo ka papunta ron at tumigil ka sa isang lupang napapaligiran ng mga dahon." Sagot ko sabay turo sa dinaanan ko kanina.

Kailangan ko kasi ng clues.

Agad naman syang tumango kaya itinulak ko na ang kaluluwa nya pabalik sa katawan nya.

"Asan na si Harmony?" Rinig kong bulong ni Flame.

"Tumakbo na sya kanina palayo." Sagot naman ni Amy.

"H-Harmony?" Bulong ni Raven.

Nagulat ako nang mapagtanto kong nakikita nya pala ang kaluluwa ko sa dinkum na suot nya.

"Sumama ka sakin." Utos ko kay Raven at naglakad papunta kay Zoe.

Sinundan naman ako ni Raven. Pagdating namin don, natagpuan ko yung katawan kong kumakain nang... isang wirdong prutas--- gulay--- whatever it is.

"Oh my gulay! Gumagalaw mag isa yang katawan mo Harmony!" Gulat na sigaw ni Raven.

"Gold ano yang kinakain mo?!" Tanong ko.

"Basta natutunan ko 'to sa St. Marie, Harmony. Lahat ng vitamins nandito na kaya lumalakas na yung katawan mo." Nakangiting sagot ng sarili ko--- este si Gold. "Ready to go ka na ulit!"

Pagkasabi nya yon ay agad na akong bumalik sa katawan ko.

Agad kong itinapat ang kamay ko sa lupa at bumukas na naman ito. Nasa loob parin si Zoe, nakahiga.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now