Chapter 11: Fire on Fire

114 12 0
                                    

Nagulat kaming lahat ng biglang namatay ang bulaklak na hawak ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagulat kaming lahat ng biglang namatay ang bulaklak na hawak ko.

"Anong ginawa mo?!" Galit na tanong ni Flame kay Ms. Phara.

"What?" Sarcastic na sabi ni Ms. Phara. "Are you blaming me?"

"Alangan naman po si Harmony ang gumawa non eh isa syang soul witch." Sarcastic na sabi ni Amy.

"Ow, isa pala syang soul witch? Hmmm.. Interesting." Ani Ms. Phara.

"Tsaka hindi namin magagawa yon dahil ikaw lang naman ang nag-iisang nature witch dito." Ani Nathan.

"Tama." Seryosong sabi ni Chandrea.

"This is not right! You need to treat me as your customer!" Pagmamaktol ni Ms. Phara.

"Tama si Madam Phara!" Sigaw nila Miya at Keysha. Ang dalawa nyang alipin.

"I need to speak with the owner of this shop!" Ani Ms. Phara.

Hindi pa ako pumapayag ay bigla na lang syang dumiretso sa office ni Ms. Rose. At ganon din kaming lima.

"Phara? Ba't ka nandito pamangkin?" Ani Ms. Rose na ikinagulat naming lima.

"Pamangkin?!" Gulat na tanong ko.

"I don't believe it!" Sigaw ni Amy.

"Ikaw pala yung boss nya?" Kalmadong sabi ni Flame.

Magkakilala din pala sila.

"Mr. Roberds. It's nice to see you again. Ang nag-iisang exboyfriend ng pamangkin ko." Ani Ms. Rose.

Nagalit si Flame sa narinig nyang salita na 'exboyfriend'. Pero naka pikit parin sya at naka cross arms.

Mas masahol pa sya sa nagliliyab na apoy eh.

"Balikan mo na kasi ang pamangki--"

"Tama naaaaa!" Galit na sigaw ni Flame. Tsaka nya naaksidenteng tamaan ng apoy ang isang book shelf sa office ni Ms. Rose.

Mabilis na nagkalat ang apoy sa paligid kaya tumakbo na kami palabas sa office ni Ms. Rose.

"Ako nang bahala!" Sigaw ni Chandrea.

Agad syang nag-summon ng tubig. At napapaligiran na sya ngayon ng napakalaking anyo ng tubig. Tsaka nya ito binuhos sa nagkakalat na apoy.

Buti yung office lang ni Ms. Rose ang nasunog. At hindi ang mga flowers nya sa labas.

"So-sorry.." Biglang sabi ni Flame habang nakatingin sa nasunog na office.

"Hindi sapat ang sorry mo Mr. Roberds. Sa tingin mo ba mapapalitan ang sorry mo sa mga papeles na sinunog mo?" Seryosong sabi ni Ms. Rose.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong napaluhod.

"Patawarin nyo na po si Flame, wala po syang kasalanan... Kasalanan ko po to lahat dahil sa binigay kong bouquet kay Ms. Phara na biglang namatay..." Naiiyak kong sabi.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now