Chapter 81: The Quarrel

47 3 0
                                    


"He is okey..."

Para akong nabunutan ng tinik ng marinig ko yon mula kay papa.

"Thank God he's okey." Sagot ko.

"Nagkaroon lang sya ng sakit sa tiyan dahil hindi sya kumain ng ilang araw. At bumaba ang kanyang dugo dahil dito. But don't worry, hindi na kailangan ng blood donation. Basta kailangan natin syang i-confine dito ng one week to regain his strength."

"Thank you Pa." Sagot ko.

"Pwede na po ba namin syang bisitahin?" Tanong ni Nathan.

"Yes of course. Pero unconscious pa din sya." Sagot ni papa.

"At kailan naman po sya magigising?" Tanong naman ni Raven.

"Maybe after three hours or more." Sagot naman ni papa.

"Sige, thank you po tito." Sagot naman ni Amy.

"Okey, see you next time. Aalis na ako dahil may mga patients pa akong aasikasuhin." Paalam ni papa. "Goodbye then."

"Goodbye din po." Sagot namin.

Pumasok na kami sa kwarto kung saan naka-confine si Flame. At wala pa nga din syang malay.

"Bakit ba kasi sya gumaganyan? Ang OA. Nagawa pa kasing mag diet." Galit na sabi ni Amy.

"Tsaka napaka-emotional nya." Dugtong naman ni Raven.

"Sorry Harmony kung rini-real talk namin sya ha."

"Okey lang, Amy. Tsaka naaintindihan ko naman kayo. Actually tama naman ang mga sinabi nyo. Dapat hindi nya pinapabayaan ang sarili nya dahil tayo din naman ang nahihirapan dahil sa sobrang pag-aalala sa kanya." Sagot ko.

"Pero guys, nasaktan sya dahil sa ginawa nya nong' last stage kaya intindihin na lang natin sya." Sumbat naman ni Nathan.

Hindi na kami nagsalita pa at binantayan si Flame hanggang magising.

Lumipas na ang mahigit limang oras at wala pa ring malay si Flame.

"Feeling ko kanina pa yan gising, nagpapanggap lang na walang malay." Biglang sabi ni Raven.

"Oh basta bantayan nyo na muna, at uuwi lang ako sandali." Sabi naman bigla ni Amy.

"Ha? Bakit?"

"Basta, may nakalimutan lang ako." Sagot ni Amy kay Nathan. "Oh sya, uwi na muna ako. Kayo nang bahala dyan."

"Ako din, magtatrabaho pa ako kay Ms. Rose bukas." Sabi naman ni Raven.

Nang makaalis na sina Amy at Raven ay biglang namayapa ang katahimikan sa paligid.

"Hindi ka ba uuwi?" Tanong ko kay Nathan. Para naman hindi awkward.

"Bakit? Gusto mo ba akong umalis?"

"H-hindi naman sa ganon, tsaka tinatanong ko lang naman." Sagot ko. "Bibili lang ako ng makakain, baka kasi magising si Flame eh biglang magutom."

"Don't worry, leave it to me." Sagot ni Nathan tsaka na sya lumabas.

Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa din dumadating si Nathan.

Napatingin ako sa relo ko kung anong oras na.

12:30 PM

Ilang oras na ang lumipas at hindi pa din gumigising itong lalaking to.

Hayst.

Inilapit ko ang tenga ko sa labi ni Flame at humihinga naman sya. Pinindot ko ang mga pisngi nya at hindi man lang sya nailang.

Sinubukan ko namang kilitiin ang bewang nya, at nagulat ako ng bigla syang bumangon at napaupo.

St. Marie Academy (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ