Chapter 8: Being a Leader

143 14 0
                                    

"Ba't ako?!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ba't ako?!"

"Dahil isa ka pong soul witch.." Ani Chandrea.

"Ang babaw naman ng rason nyo! Eh hindi ko nga alam makipaglaban eh!" Sagot ko.

Sa tingin ba nila madaling maging leader?

"Okey class so this is your task for today! Ang gagawin nyo ay hahanapin nyo ang librong sinulat ng dating headmaster ng SMA ng hindi nagtatanong ni isa sa mga librarian, bago lumubog ang araw. I will expect more from all of you. Class dismiss." At iyon na ang huling sinabi ni Ms. Forestier.

"Paano na yan?" Ani Chandrea.

"Teamwork." Seryosong sabi ni Nathan.

Hindi ko alam pero napatitig ako sa mukha nya. Tinignan nya ako pabalik kaya inalis ko na lang yung tingin ko.

Ano bang ginagawa mo Harmony.. Nakakahiyaaaa!

"Didiretso na muna tayo sa next class natin. At magsisimula na lang tayong maghanap pagkatapos ng break time." Ani Flame.

At pumayag rin kaming lahat sa ideya ni Flame. Pagdating ko sa next class ko ay nakita ko sina Flame at Nathan.

Mukhang classmate ko na naman silang dalawa. Haysss naman...

Nagbabasa ng libro si Flame samantalang si Nathan ay naka headset. At mukang walang naka upo sa gitna nilang dalawa.

Hmmm! Sa tingin nyo ba gugustuhin kong umupo sa gitna nyo?

Naglakad na lang ako at nilampasan ko silang dalawa. At umupo ako sa pinaka likod.

"Hi Leader.." Sabi ko na nga ba susundan nila ako!

Potek.

"Nireserbahan ka pa naman namin ng upuan para makapagplano tayo ng mabuti." Ani Flame.

"Tama!" Sabi naman ni Nathan.

"Diba ikaw pa mismo ang nagsabi na sa break time natin yan pag-uusapan." Naiirita kong sabi.

Kaya narealize nya din na nagmali sya. Tsk! Hahaha! Para syang tanga!

Nakalimutan nya yung sinabi nya! Hahahaha!

"Hoy 'wag mo nga akong tawanan!" Sigaw ni Flame sakin.

Hahaha! Sorry but I really can't help it! Wahahahahaha!!

Nagsimula ng ang second class namin at heto parin ako tumatawa. Hanggang sa tumigil din ako.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala seryoso at nakikinig sa klase si Nathan.

What's wrong with him?

Nakinig na din ako sa klase at yon din ang ginawa ni Flame. At grabe, nasasagutan lahat ni Flame ang mga tanong ni sir.

Nabibilib ako sa talino nya. Dati kasi nung naghohome school ako, aabutin pa ako ng 10 seconds bago ako makasagot. Kaya binababad ko ang oras sa pagbabasa ng libro. Masagutan ko lang lahat ng tanong ng mas mabilis.

St. Marie Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon