Chapter 41: Her Conditon

81 9 0
                                    

1 hour ago

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

1 hour ago...

Harmony's PoV

Shet late na akooooooo!! First time in the history na nga akong na late. Grabe. As in GRABE lang!!

Tumakbo na ako sa hallway papunta sa classroom namin. Ba't pa kasi anlaki ng hagdan ng iskwelahang to?!

NAPAKALAWAK PA!!

Pagpasok ko sa classroom namin. Ay nadatnan ko na silang naga-activity.

"Sorry I'm late!" Sigaw ko.

"Harmony!" Sigaw naman ni Amy.

"Go ahead Ms. Laveu." Kunot noong sabi ni Mr. Hades.

Nakakatakot talaga si Sir. Napatingin ako kay Flame at nakangiti sya sakin. Grabe, kinikilig ako. Pero assuming, feeling ko hindi ako yon.

Hindi ko na lang sya pinansin at lumapit na lang ako sa grupo namin. Ang Group A. Yung grupo namin dito sa classroom.

"Saan ka ba galing?" Tanong ni Chandrea.

"Na late lang ako ng gising." Sagot ko.

"Sige magsimula na tayo." Ani Nathan.

Nagsimula na kami sa pinagawa ni Mr. Hades at sa wakas ay natapos din namin.

"Group A, ibalik nyo yang mga cylinders sa laboratory. Okey, Class dismiss." Ani Sir.

"Yes Mr. Hades!" Sigaw ni Nathan. Pag-alis ni Sir at ng mga classmates namin ay agad din syang sumimangot. "Putek. Group A nga tayo pero tayo naman yung inuutusan."

"May galit ba sya satin?" Dugtong pa ni Chandrea.

"Tapos tayo na lang yung nandito." Ani Amy.

"Hayaan nyo na." Sumbat ko.

"Gawin na lang natin yung inutos nya satin, para pagkatapos non didiretso na tayo sa canteen." Seryosong sabi ni Flame.

Ang aga-aga bad mood na naman sya.

Tumango naman kami.

Nagulat ako ng biglang nabasag ni Flame yung hinahawakan nyang cylinder.

"Flame! Ayos ka lang?!" Sigaw ko.

"Yung kamay mo dumudugo!" Ani Amy.

Napatingin ako sa kamay ko at umiilaw na naman ito ng bughaw. At sa tingin ko hindi ito nakikita ng mga kasama ko.

Aray! Ang sakit ng ulo ko... pinilit kong kumalma dahil kailangan ako ni Flame.

"Wait lang tatakpan ko ng--" Hindi ko na natapos ng biglang uminit yung ulo ko.

H-hindi ko na kaya...

"Harmony!"









***












St. Marie Academy (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat