Chapter 22: Leaderboards

84 8 0
                                    

"675

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"675." Tipid kong sagot.

"Ano?!" Gulat na sabi nilang lahat.

"May nangyari kasi kanina na halos ibuwis ko yung buhay ko. Tsaka long story... Hehe."

"Anggaling mo naman Harmony!" Ani Chandrea.

"Syempre isa kasi syang Laveu diba? Harmony?" Nakangiting sabi ni Amy.

"Ano naman kinalam--"

"Waaaaaahahaha!" Sigaw ng isang babaeng nakasakay ng abenyo.

"Sabi na nga ba, may manananggal na naman-- I mean si Ms. Phara nga pala." Parinig na sabi ni Amy.

"Excuse me?! Mas maganda pa nga ako kesa sayo eh. Tsk. Mukha kasing unggoy." Ani Ms. Phara habang naka-cross arms.

"Anong sabi mo?! Sasampalin ko 'tong babaing to!" Galit na sabi ni Amy tsaka sya lumapit kay Ms. Phara. Nagulat na kami ng naging paa ng elepante ang isang kamay ni Amy. Buti inawat sya nina Nathan at Flame.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Kunot-noong tanong ni Flame.

"Syempre para makita kita!" Sigaw ni Ms. Phara tsaka nya yinakap si Flame.

"Hgh! L-layuan mo nga ako! Baka nakakalimutan mo, mas matanda ka kesa sakin." Ani Flame.

"So what? Sabi nga nila 'age doesn't matter' diba?" Ani Ms. Phara.

"Tama na yan Phara." Biglang sabi ng lalaking paparating sa kinaroroonan namin. Kasama ang tatlo pang kasama ni Ms. Phara.

"Wag ka nga munang makialam dito, Miko." Ani Ms. Phara.

"Edi sorry kung nakakaabala ako sa inyo. Pero may problema tayo sa district 1, Phara. May kumalat kasi na sunog sa central part ng district." Ani Miko. Sya ata ang kanang kamay ni Ms. Phara.

"Sige papunta na ako. Bye, Flame my love!" Huling sabi ni Ms. Phara tsaka na sya umalis.

Grabe gumawa na naman sya ng scene dito. Nagmomoment pa nga kami kanina eh.

"Ngayong tapos na yung scenario na yon. Gusto ko sanang sabihin sa inyo na masaya ako sa dami ng nakuha nyong mga candies." Pagbabalik ko ng usapan.

"Salamat Harmony." Ani Chandrea.

Wow ha. Hindi ko inexpect na iisa lang yung nagpasalamat.

(≖︿≖)

Pero atleast meron diba?

"Guys andito na yung leaderboards ngayong araw." Ani Nathan habang tinitignan nya yung tecnopon.

Rankings:
1. Team Tenoji -6,021 candies (central city)
2. Team Calamity -6,020 candies (district 7)
3. Team Phara - 4,254 candies (district 1)
4. Team Madison -3,000 candies (district 8)
5. Team Francois - 2,544 candies (district 2)
6. Team Harmony -1,982 candies (district 3)
7. Team Wester -1,211 candies (district 6)
8. Team Topspeed -1,019 candies (district 9)
9. Team Nemurin -854 candies (district 4)
10. Team Deathro -757 candies (district 5)

N-nasa top 6 palang kami? Paano na yan? Mukang malalakas ang mga kalaban namin.

"Hindi ako makapaniwalang nasa top 1 ang Team Tenoji." Ani Chandrea.

"Oo nga, tsaka imagine. Nakakolekta sila ng 6,021 candies sa isang araw lang." Ani Amy.

"Hindi na natin sila maaabutan." Walang ganang sabi ni Nathan.

"Ano ba naman kayo, unang araw palang naman natin. Tsaka may dalawang araw pa namang natitira para makaabot tayo." Masigla kong sabi bilang motivation.

"Tama si Harmony. Maswerte tayo dahil wala tayo sa hulihan." Ani Flame.

"Matulog na nga tayo. Tsaka gagalingan na lang natin bukas. Okey?" Masigla kong sabi ulit.

"Okey." Sagot naman nilang apat tsaka na sila ngumiti.

Sumakay na kaming lahat sa abenyo namin tsaka kami lumipad sa langit. Matutulog kaming lahat ngayon sa langit.

I mean, dun kami malapit sa mga ulap. Pero matutulog kami gamit ang mga powers namin.

Naging isang maliit na ibon si Amy tsaka na sya natulog sa wood part ng abenyo nya. Si Chandrea naman, nagform sya ng cloud shaped na gawa sa tubig. Tsaka na sya humiga roon at laking-gulat ko dahil hindi sya nababasa.

Wow.

Ganon din kay Flame. Cloud-shaped na gawa sa apoy. At nakakagulat din dahil hindi sya nasusunog. At ito namang si Nathan, alam ko na ang mangyayari. Sabi ko na nga ba, humiga na lang sya sa ere at natulog habang lumulutang.

"Hindi ka pa matutulog Harmony?" Biglang tanong ni Amy sakin.

"Ah matutulog na lang ako mamaya. Kaya mauna ka na." Sagot ko. Tumango na lang sya sakin at nauna na syang natulog.

Hindi ako nakakalipad pero pilit kong humiga sa abenyo ko. Tsaka ako pumikit.

'Put thy soul to another. And thy soul will meet together.'

Focus.. Harmony..

Just breath and relax..

Sampung segundo akong pumikit tsaka ko na minulat ang mata ko.

Hgh!! ⊙o⊙!!

Nagulat na lang ako ng makita kong isa na akong kaluluwa. Tsaka, kaya ko na ring lumutang sa ere. Napatingin ako sa katawan ko at parang natutulog lang ako.

Wohooo! I'm a ghost! Hindi na nila ako nakikita! Tsaka ang sarap lumipad sa ere! Wohooooo!

Napatingin ako sa mga kasama ko at mukang natutulog na sila ng mahimbing.

'Put thy soul to another. And thy soul will meet together..'

Kung si Flame na lang kaya?

Lumapit ako kay Flame tsaka ko sya hinila. Nagulat na lang ako nang hindi ko mahawakan ang kanyang kamay. Pero nahila ko ang kaluluwa nya palabas.

"Waaaah!!!" Gulat na sigaw ni Flame. Habang tinitignan nya yung katawan nya.

"Hi." Nakangiti kong sabi.

"Aaaaaaagh!!!" Sigaw nya ulit. Habang nakatingin sakin.

"Hoy wag ka ngang OA. Kala mo naman nakakita ka ng multo." Sumbat ko.

"Multoooo!! (‾口‾)!!" Sigaw ni Flame.

Geeeez...

"Bad dream! Bad dreeeeam!" Sigaw ni Flame. Tsk. Akala ba nya panaginip to? Well, it's time to face the reality man.

"Flame.. Hindi to panaginip." Seryoso kong sabi. At sa wakas napatigil ko na din sya. At napatigil na lang din ako ng marealize kong hawak-hawak ko pa din ang kamay nya.

So that means, kaya kong humila ng kaluluwa ng ibang tao? Ganito ba talaga ang epekto ng isang soul witch?

Trinay ko ding humiga sa katawan ni Flame. At na-amaze ako dahil lumipat ako sa katawan nya na parang isang multo.

"Hoy layuan mo nga yang katawan ko." Seryosong sabi ni Flame habang naka-cross arms at nakalutang sa ere.

Humiga ulit ako mula sa pagkakabangon at pinikit ko ulit ang aking mata. Naging kaluluwa na uli ako katulad ni Flame.

"So ang ibig mong sabihin, kaya mong humila ng kaluluwa katulad ng isang multo." Ani Flame.

"Sa tingin ko oo, kung titignan mo yung mga katawan natin. Parang natutulog lang." Patuloy ko.

"Grabe, ganito pala kalakas ang isang soul witch." Aniya.

Hindi din naman ako makapaniwala hanggang ngayon na isa din akong witch katulad nyo...

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now