Chapter 10: Argument

118 13 3
                                    

Andito na naman sya?!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Andito na naman sya?!

"Oh. Ba't napatigil ka?" Ani Flame.

Oo. Andito na naman si Mr. seryo-- I mean si FLAME.

"Akala ko ba sa kabilang subdivision ka nakatira." Pang-iiba ko.

Mas madami pang magagandang resto dun eh.

"E ano naman ngayon?" Sagot nya.

"Tsk. Ewan ko nga sayo. Nagugutom na ako." Naiirita kong sabi. Kumain na lang ako at hindi na sya nagsalita.

Real talk: ayaw ko sa isang taong palaging seryoso. Para kasing hindi nila binibigyan ng saya ang mga buhay nila.

Habang kumakain ako ay nagulat ako ng umupo sya sa tabi ko at nagsimula ding kumain.

"Sinabi ko bang umupo ka sa tabi ko ha?" Nagagalit kong tanong sa kanya.

"Bakit? Sayo ba tong upuan na to?" Aniya.

"Eh pwede ka namang umupo dito sa harapan ko. Ba't dito pa sa tabi ko?" Pangklaklaro ko.

"Naiilang kasi ako sa mga taong nakakaharap ko pag kumakain ako ng agahan." Aniya.

Ano daw?

"Hindi mo talaga ako maiintindihan." Aniya muli.

Tama sya. Hindi ko talaga sya maintindihan. Kaya kumain na lang ako at hindi ko na lang sya pinansin.

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong dumiretso sa counter para magbayad. Tsaka na ako umalis papunta sa trabaho ko.

Habang naglalakad ako paalis, may isang lalaking naka motor na biglang tumigil sa harapan ko.

"Sumakay ka na." Sabi ng lalaki tsaka nya tinanggal ang helmet nya.

Si Flame na naman?

"Ayoko." Seryoso kong sabi tsaka ko na tinuloy ang paglalakad.

"Sige na. Total ikaw ang leader ko kaya responsibilidad kong pagsilbihan ka." Aniya.

"Kahit n--"

Hindi na nya ako pinatapos dahil agad nyang pinatong ang isang helmet sa ulo ko.

Geeeeeez..

Wala na akong nagawa kaya sumakay na lang ako sa likuran nya.

Pinaandar na nya ang motor nya at agad akong napangiti dahil sa ihip ng hangin na nalalanghap ko.

Wohooooo! Ang enjoyable!

Napakabilis nyang mag motor kaya nasasampal na ako ng hangin. Pero ang saya parin!

Biglang nagkatraffic kaya nag-break sya agad. Kaya nauntog ako sa ulo nya. Mabuti naka suot kami ng helmet.

"Ano bang problema mo ha? Mag-ingat ka nga!" Sabi ko sa kanya.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now