Chapter 44: Helping Her

76 9 0
                                    

"Tapos ka na?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tapos ka na?"

"Flame?" Gulat kong sabi.

"Oh bakit?" Seryoso namang sabi ni Flame. "Kung gusto mong umiyak ng umiyak, Ituloy mo lang... Nandito lang ako."

Napangiti ako sa sinabi nya.

"Thank you, pero... pa-paano mo nalaman ang tungkol dito?" Tanong ko.

"I just found out." Ani Flame. "Kwinento sakin ni Headmaster Grim ang lahat, kahapon."

"May kinalaman si Headmaster Grim tungkol sa mga magulang ko?"

Tumango lang sya sa tanong ko.

"Ikukwento ko sayo ang lahat ng natuklasan ko kung... papayag kang magdinner tayo." Nakangisi nyang sabi.

"Pero..."

"Maawa ka naman sakin, nababasa na ako oh."

Nababasa na pala sya.

"Ba't kasi isa lang yung dinala mong payong?"

"Nakalim---"

"Sige... pumapayag na akong magdinner tayo." Ako naman ang di nagpatapos sa kanya.

Ngumiti naman sya at sabay na kaming nagtungo sa isang pinakamalapit na restaurant.

Umupo na kami at nag-order ng makakain.

"Ano po yung order nyo?" Tanong ng isang waiter.

Napatingin ako sa menu na binigay ng waiter.

"Isang pasta na lang sakin." Sagot ko.

"Pasta na din sakin. Tapos isang wine." Sagot naman ni Flame.

Lalasunin nya ba ako?

Naniniwala ako kay Flame dahil more than a friend ang turing ko sa kanya kaya.. No worries.

"Okey po, wait po muna kayo at least 3 minutes." Sabi ng waiter tsaka na ito umalis.

"Bakit ka pa nag-order ng wine eh okey lang naman sakin kung tubig lang." Pangunguna ko.

"Sige sasabihin ko na wag na." Ani Flame. Tsaka sya biglang tumayo.

"Wag na... Okey lang. Total minsan lang naman ako umiinom ng wine eh. Kaya okey lang." Pagpipigil ko. At sa wakas, Umupo na din sya.

"Yung tungkol sa... mga magulang mo, sorry." Biglang sabi ni Flame.

"Okey lang ako. Kaya wag kang mag-sorry. Wala ka namang kasalanan." Sagot ko.

"Actually meron..."

"Andito na po yung order nyo..." Biglang sabi ng waiter tsaka na nya linagay sa mesa yung pasta at ng wine. Agad din naman syang umalis.

"Anong meron?" Pagbabalik ko ng usapan.

"Alam kong magagalit ka dito pero... I stalked Mr. and Ms. Laveu, your parents. And it turned out na hindi sila ang tunay mong mga magulang."

St. Marie Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon