Chapter 26: Innocent?

81 8 0
                                    

Harmony's PoV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Harmony's PoV

"Class dismiss!" Ani Sr. Hades.

Sabay-sabay na kaming umalis ng mga kaibigan ko at dumiretso na kaming lahat sa cafeteria.

Friday ngayon kaya magpla-plano na lang kami para sa second stage. Next week pa kasi i-aannounce yung theme namin eh.

"Sa tingin ko mahihirapan na tayo sa second stage." Pangunguna ni Amy.

"Eh sa unang palang ang hirap na eh." Sarcastic na sabi ni Chandrea.

Nakakuha na kami ng pagkain kaya umupo na kaming lahat sa isang table.

"Kaya nga nandito tayong lahat ngayon, para makapaghanda tayo ng mabuti." Sumbat ko.

"Paano tayo makakapaghanda ng mabuti eh may group project pa tayo kay Ms. Forestier." Seryosong sabi ni Flame.

"Tsaka andami din nating hinahabol na lessons." Ani Nathan.

Tama sila.

"Tignan na lang natin kung may free time tayo okey?" Nakangiti kong sabi.

"Okey." At si Amy lang ang sumagot ha. Okey Amy, ikaw lang pala ang nag-iisang member ng Team Harmony.

Kumain na lang kaming lahat at pagkatapos non ay dumiretso na kami sa OMS.

(Outfit Making Subject)

Ngayon ko lang nalaman na almost 80 subjects pala ang tinuturo nila dito sa St. Marie.

Wow ha. Noong naghohome school ako eh walo lang yung subjects ko.

"Ang damit na gagawin nyo ay... Innocent Outfit." Nakangiting sabi ni Ms. Forestier.

"Innocent outfit? Meron bang ganon?" Mahina kong tanong.

"Ang ibig sabihin non. Damit para sa mga taong nagmumukang innocente." Ani Nathan.

"Ahh." Mukang narinig nya yung sinabi ko.

"Sinong mag-iisip ng design?" Tanong ni Chandrea.

"Si Harmony." Ani Flame.

"Ano?! Ba't ako?" Gulat kong sabi.

"Dahil nagmumuka kang innocente." Seryosong sabi ni Flame.

Ano?! O~O

"Anong sabi m--"

"Tsaka alam mo naman na ikaw ang leader namin." Sumbat ulit ni Flame. Tsk. Ugali nya talaga ang hindi ako pinapatapos.

"Pero sa grand prix nyo lang ako dapat ituring na leader." Galit kong sabi habang naka-cross arms. Pero medyo kalma lang naman.

"Woah woah woah easy.." Ani Amy. "Ako na lang ang magdedesign."

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now